+ -

عن سهل بن سعد رضي الله عنه عن رسول الله صلى الله عليه وسلم قال:
«مَنْ يَضْمَنْ لِي مَا بَيْنَ لَحْيَيْهِ وَمَا بَيْنَ رِجْلَيْهِ أَضْمَنْ لَهُ الْجَنَّةَ».

[صحيح] - [رواه البخاري] - [صحيح البخاري: 6474]
المزيــد ...

Ayon kay Sahl bin Sa`d (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Ang sinumang maggagarantiya sa akin [na mag-ingat] ng nasa pagitan ng bigote at balbas niya at ng nasa pagitan ng mga hita niya, maggagarantiya ako sa kanya ng Paraiso."}

[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy] - [صحيح البخاري - 6474]

Ang pagpapaliwanag

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa dalawang bagay na kapag nanatili ang Muslim sa dalawang ito, tunay na siya ay papasok sa Paraiso:
UNA: Ang pag-iingat sa dila laban sa pagsasalita ng nagpapagalit kay Allāh (napakataas Siya);
IKALAWA: ang pag-iingat sa ari laban sa pagkakasadlak sa mahalay
dahil ang dalawang bahaging ito ay madalas sa pagkakasadlak sa mga pagsuway.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Hapon Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka الفولانية Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف البلغارية Luqadda Asariga الأكانية الأوزبكية الأوكرانية الجورجية اللينجالا المقدونية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang pag-iingat sa dila at ari ay isang landas ng pagpasok sa Paraiso.
  2. Itinangi niya ang dila at ang ari dahil ang dalawang ito ay pinakamabigat na pinagmumulan ng pagsubok sa tao sa Mundo at Kabilang-buhay.