+ -

عَن عُمَرَ بنِ الخَطَّابِ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ قال: سَمِعْتُ النَّبِيَّ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَقُولُ:
«لَا تُطْرُونِي كَمَا أَطْرَتِ النَّصَارَى ابْنَ مَرْيَمَ؛ فَإِنَّمَا أَنَا عَبْدُهُ، فَقُولُوا: عَبْدُ اللهِ وَرَسُولُهُ».

[صحيح] - [رواه البخاري] - [صحيح البخاري: 3445]
المزيــد ...

Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:
"Huwag kayong magpalabis sa pagpuri sa akin, gaya ng pagpapalabis sa pagpuri ng mga Kristiyano sa Anak ni Maria, sapagkat ako lamang ay alipin Niya. Kaya sabihin ninyo: Ang Alipin ni Allāh at ang Sugo Niya."}

[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy] - [صحيح البخاري - 3445]

Ang pagpapaliwanag

Sumasaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagpapalabis at paglampas sa legal na hangganan sa pagbubunyi sa kanya at paglalarawan sa kanya ng mga paglalarawan kay Allāh (napakataas Siya) at mga gawain Niyang natatangi sa Kanya, o na siya raw ay nakaaalam sa nakalingid o dinadalanginan kasama kay Allāh gaya ng ginawa ng mga Kristiyano kay Jesus na anak ni Maria (sumakanya ang pangangalaga). Pagkatapos naglinaw siya na siya ay isang alipin kabilang sa mga alipin ni Allāh at nag-utos siya na magsabi tayo tungkol sa kanya: Ang Alipin ni Allāh at ang Sugo ni Allāh.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Hapon Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga Luqadda Asariga الأوزبكية الأوكرانية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang pagbibigay-babala laban sa paglampas sa legal na hangganan sa pagdakila at pagbubunyi dahil iyon ay nauuwi sa Shirk.
  2. Ang ibinigay-babala ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay naganap nga sa Kalipunang ito sapagkat may nagpakasidhing isang pangkatin sa pagpuri sa Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), isang pangkatin kaugnay sa Sambahayan ng Sugo, at isang pangkatin kaugnay sa mga walīy kaya nasadlak sila sa Shirk.
  3. Naglarawan ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sarili niya na siya ay isang alipin ni Allāh upang maglinaw siya na siya ay isang aliping namamanginoon kay Allāh, na hindi pinapayagan na magbaling sa kanya ng anuman sa mga kakanyahan ng Panginoon.
  4. Naglarawan ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sarili niya na siya ay Sugo ni Allāh upang maglinaw siya na siya ay isang sugong isinugo mula sa ganang kay Allāh, kaya kinakailangan ang maniwala sa kanya at ang makisunod sa kanya.
Ang karagdagan