عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ قَالَ: قَالَ النَّبِيُّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«السَّاعِي عَلَى الأَرْمَلَةِ وَالمِسْكِينِ، كَالْمُجَاهِدِ فِي سَبِيلِ اللَّهِ، أَوِ القَائِمِ اللَّيْلَ الصَّائِمِ النَّهَارَ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 5661]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Ang tagapagpunyagi para sa balo at maralita ay gaya ng nakikibaka sa landas ni Allāh o nagdarasal sa gabi na nag-aayuno sa maghapon."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 5661]
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang nagtataguyod sa mga kapakanan ng babaing namatayan ng asawa nito, na walang isang nagtataguyod sa mga pumapatungkol dito, at ng dukhang nangangailangan, at gumugugol sa kanila habang umaasa sa pabuya sa ganang kay Allāh, siya sa pabuya ay gaya ng nakikibaka sa landas ni Allāh o gaya ng nagdarasal ng ṣalāh na tahajjud na hindi napapagod, na nag-aayuno pa na hindi tumitigil-ayuno.