+ -

عَنْ عَبْدِ اللهِ بْنِ عَمْرِو بْنِ الْعَاصِ رضي الله عنهما قَالَ: سَمِعْتُ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَقُولُ:
«كَتَبَ اللهُ مَقَادِيرَ الْخَلَائِقِ قَبْلَ أَنْ يَخْلُقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ بِخَمْسِينَ أَلْفَ سَنَةٍ، قَالَ: وَعَرْشُهُ عَلَى الْمَاءِ».

[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 2653]
المزيــد ...

Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:
"Sumulat si Allāh ng mga itinakda sa mga nilikha limampung libong taon bago Niya nilikha ang mga langit at ang lupa." Nagsabi Siya: At ang trono Niya ay nasa ibabaw ng tubig.}

[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 2653]

Ang pagpapaliwanag

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh ay sumulat ng magaganap mula sa mga itinakda sa mga nilikha nang may pagdedetalye gaya ng buhay, kamatayan, panustos, at iba pa roon sa Tablerong Pinag-iingatan limampung libong taon bago Niya nilikha ang mga langit at ang lupa. Ang mga ito ay magaganap alinsunod sa itinadhana ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Ang bawat anumang mangyayari ay ayon sa pagtatadhana ni Allāh at pagtatakda Niya. Kaya ang anumang tumama sa tao ay hindi naging ukol na magmintis sa kanya at ang anumang nagmintis sa kanya ay hindi naging ukol na tumama sa kanya.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka الفولانية Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف البلغارية Luqadda Asariga اليونانية الأوزبكية الأوكرانية الجورجية اللينجالا المقدونية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang Pagkakinakailangan ng Pananampalataya sa Pagtatadhana at Pagtatakda
  2. Ang pagtatakda (qadr) ay: ang kaalaman ni Allāh sa mga bagay, ang pagsusulat Niya, ang kalooban Niya, at ang paglikha Niya sa mga ito.
  3. Ang pananampalataya na ang mga itinakda ay naisulat bago likhain ang mga langit at ang lupa ay nagbubunga ng pagkalugod at pagpapasakop.
  4. Ang trono ng Napakamaawain ay nasa ibabaw ng tubig bago likhain ang mga langit at ang lupa.
Ang karagdagan