عن أبي مسعود الأنصاري رضي الله عنه قال:
جَاءَ رَجُلٌ إِلَى النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ فَقَالَ: إِنِّي أُبْدِعَ بِي فَاحْمِلْنِي، فَقَالَ: «مَا عِنْدِي»، فَقَالَ رَجُلٌ: يَا رَسُولَ اللهِ، أَنَا أَدُلُّهُ عَلَى مَنْ يَحْمِلُهُ، فَقَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: «مَنْ دَلَّ عَلَى خَيْرٍ فَلَهُ مِثْلُ أَجْرِ فَاعِلِهِ».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 1893]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Mas`ūd Al-Anṣārīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{May dumating na isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "Tunay na ako ay nawalan ng masasakyan kaya magpasakay ka sa akin." Kaya nagsabi siya: "Wala akong taglay." Kaya may nagsabing isang lalaki: "O Sugo ni Allāh, ako ay gagabay sa kanya sa sinumang magsasakay sa kanya." Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh: "Ang sinumang gumabay sa isang kabutihan, ukol sa kanya ang tulad sa pabuya ng tagagawa nito."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 1893]
May dumating na isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "Tunay na ako ay nasawian ng sasakyang hayop ko kaya magpasakay ka sa akin sa isang hayop at magbigay ka sa akin ng isang masasakyang magpaparating sa akin." Humingi naman ng paumanhin dito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya ay walang taglay na anumang magdadala rito. Kaya may nagsabing isang lalaki na naroon: "O Sugo ni Allāh, ako ay gagabay sa kanya sa magsasakay sa kanya." Kaya nagpabatid ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na iyon ay isang katambal para tagapagkawanggawa sa pabuya dahil iyon ay gumabay sa nangangailangan.