1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga Kategorya
  3. Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan

Ḥadīth Huwag kayong gumawa sa mga bahay ninyo bilang mga libingan at huwag kayong gumawa sa libingan ko bilang pistahan. Dumalangin kayo ng basbas sa akin sapagkat tunay na ang pagdalangin ninyo ng basbas ay umaabot sa akin saan man kayo naroon."}

عن أبي هريرة رضي الله عنه قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم:
«لَا تَجْعَلُوا بُيُوتَكُمْ قُبُورًا، وَلَا تَجْعَلُوا قَبْرِي عِيدًا، وَصَلُّوا عَلَيَّ؛ فَإِنَّ صَلَاتَكُمْ تَبْلُغُنِي حَيْثُ كُنْتُمْ».

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Huwag kayong gumawa sa mga bahay ninyo bilang mga libingan at huwag kayong gumawa sa libingan ko bilang pistahan. Dumalangin kayo ng basbas sa akin sapagkat tunay na ang pagdalangin ninyo ng basbas ay umaabot sa akin saan man kayo naroon."}

Maganda Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud Sunan Abī Dāwud - 2042

Ang Pagbibigay-linaw

Sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagpapawalang-silbi sa mga bahay sa pagdarasal sapagkat ang mga ito ay magiging gaya ng mga libingan na hindi pinagdarasalan. Sumaway siya laban sa pag-uulit-ulit ng pagdalaw sa libingan niya at pagtitipon sa tabi nito sa isang paraang kahihiratihan dahil iyon ay isang kaparaanan tungo sa Shirk. Nag-utos siya ng pagdalangin kay Allāh ng basbas at pangangalaga sa kanya sa alinmang lugar sa Daigdig dahil iyon ay umaabot sa kanya mula sa malapit at malayo nang magkapantay, kaya walang pangangailangan sa pagpapabalik-balik sa libingan niya.

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth

  1. Ang pagsaway laban sa pagpapawalang-silbi sa mga bahay sa pagsamba kay Allāh (napakataas Siya).
  2. Ang pagpigil sa paglalakbay para sa pagdalaw sa libingan ng Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) dahil siya ay nag-utos ng pagdalangin kay Allāh ng basbas sa kanya at nagpabatid siya na ito ay umaabot sa kanya. Inihahanda lamang ang paglalakbay para sa pagsasadya sa masjid at pagdarasal doon.
  3. Ang pagbabawal sa paggawa sa pagdalaw sa libingan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) bilang pistahan sa pamamagitan ng pag-uulit-ulit ng pagdalaw roon sa isang paraang itinalaga sa isang panahong itinalaga at gayon din sa pagdalaw sa bawat libingan.
  4. Ang karangalan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Panginoon niya ay dahil sa pagkaisinasabatas ng pagdalangin ng basbas at pangangalaga para sa kanya sa bawat panahon at lugar.
  5. Ito ay yayamang ang pagsaway laban sa pagdarasal sa tabi ng mga libingan ay napagtibay na sa ganang mga Kasamahan. Dahil dito, sinaway ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na gawin ang mga bahay tulad ng mga libingan na hindi pinagdarasalan.

Ang Paglalahad ng mga Salin

69 Ang Wika
EN English الإنجليزية
UR اردو الأوردية
ES Español الإسبانية
ID Indonesia الإندونيسية
UG ئۇيغۇرچە الأيغورية
BN বাংলা البنغالية
FR Français الفرنسية
TR Türkçe التركية
RU Русский الروسية
BS Bosanski البوسنية
SI සිංහල السنهالية
HI हिन्दी الهندية
ZH 中文 الصينية
FA فارسی الفارسية
VI Tiếng Việt الفيتنامية
KU Kurdî الكردية
HA Hausa الهوسا
PT Português البرتغالية
ML മലയാളം المليالم
TE తెలుగు التلغو
SW Kiswahili السواحيلية
TA தமிழ் التاميلية
MY မြန်မာ البورمية
TH ไทย التايلندية
DE Deutsch الألمانية
JA 日本語 اليابانية
PS پښتو بشتو
AS অসমীয়া الأسامية
SQ Shqip الألبانية
SV Svenska السويدية
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
KY Кыргызча القيرقيزية
NE नेपाली النيبالية
YO Yorùbá اليوروبا
LT Lietuvių الليتوانية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
SO Soomaali الصومالية
TG тоҷикӣ الطاجيكية
RW Kinyarwanda الكينياروندا
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
CS Čeština التشيكية
MOS Moore الموري
MG Malagasy المالاجاشية
FF Fulfulde الفولانية
IT Italiano الإيطالية
OM Oromoo الأورومو
KN ಕನ್ನಡ الكانادا
WO Wolof الولوف
BG Български البلغارية
AZ Azərbaycan الأذربيجانية
EL Ελληνικά اليونانية
AK Akan الأكانية
UZ O‘zbek الأوزبكية
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
LN Lingala اللينجالا
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
BM Bambara البامبارية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية
DA Dansk الدنماركية
RN Kirundi الكيروندي
KMR Kurmancî الكرمنجية
MS Bahasa Melayu الملايو