عن أبي هريرة رضي الله عنه عن النبي صلى الله عليه وسلم قال:
«اجْتَنِبُوا السَّبْعَ الْمُوبِقَاتِ»، قَالُوا: يَا رَسُولَ اللهِ وَمَا هُنَّ؟ قَالَ: «الشِّرْكُ بِاللهِ، وَالسِّحْرُ، وَقَتْلُ النَّفْسِ الَّتِي حَرَّمَ اللهُ إِلَّا بِالْحَقِّ، وَأَكْلُ الرِّبَا، وَأَكْلُ مَالِ الْيَتِيمِ، وَالتَّوَلِّي يَوْمَ الزَّحْفِ، وَقَذْفُ الْمُحْصَنَاتِ الْمُؤْمِنَاتِ الْغَافِلَاتِ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 2766]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Umiwas kayo sa pitong tagapagpasawi." Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, at ano po ang mga ito?" Nagsabi siya: "Ang pagtatambal kay Allāh, ang panggagaway, ang pagpatay sa kaluluwang ipinagbawal ni Allāh malibang ayon sa katwiran, ang pagkain ng patubo, ang pagkain ng yaman ng ulila, ang pagtalikod sa araw ng labanan, at ang paninirang-puri sa mga malinis na nakapag-asawang babae, na mga mananampalataya, na mga inosente."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 2766]
Nag-uutos ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Kalipunan niya ng paglayo sa pitong krimen at pagsuway na tagapagpahamak. Noong tinanong siya tungkol sa mga ito kung ano ang mga ito, naglinaw siya na ang mga ito ay:
A. Ang pagtatambal kay Allāh sa pamamagitan ng paggawa ng kaagaw at katulad para sa Kanya (kaluwalhatian sa Kanya) mula sa alinmang anyo, at ng pagbaling ng alinmang pagsamba kabilang sa mga pagsamba sa iba pa kay Allāh (napakataas Siya). Nagsimula siya sa Shirk dahil ito ay pinakamabigat sa mga pagkakasala.
B. Ang panggagaway – na isang katawagan sa mga buhol, mga orasyon, mga panggamot, at mga pagpapausok – na nakaaapekto sa katawan ng ginagaway sa pamamagitan ng pagkapatay o sa pamamagitan ng pagkakasakit, o nagpapahiwalay sa mag-asawa. Ito ay isang gawaing makademonyo. Marami rito ay hindi nahahantong kundi sa pamamagitan ng Shirk at pagpapakalapit-loob sa mga masamang espiritu sa pamamagitan ng isang bagay kabilang sa naiibigan ng mga ito.
C. Ang pagpatay ng buhay na pumigil si Allāh sa pagpatay rito malibang may isang legal na tagapagbigay-matuwid na ipatutupad ng tagapamahala.
D. Ang pagkuha ng patubo sa pamamagitan ng pakikinabang o iba pa rito na mga anyo ng pakikinabang.
E. Ang paglabag sa ari-arian ng batang namatay ang ama niya habang siya ay mababa sa kasapatang gulang (bulūgh).
F. Ang pagtakas mula sa labanan sa mga tagatangging sumampalataya.
G. Ang pagpaparatang ng pangangalunya sa mga malayang babaing malinis ang puri at gayon din ang pagpaparatang nito sa mga lalaki.