عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه قال:
جَاءَ نَاسٌ مِنْ أَصْحَابِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، فَسَأَلُوهُ: إِنَّا نَجِدُ فِي أَنْفُسِنَا مَا يَتَعَاظَمُ أَحَدُنَا أَنْ يَتَكَلَّمَ بِهِ، قَالَ: «وَقَدْ وَجَدْتُمُوهُ؟» قَالُوا: نَعَمْ، قَالَ: «ذَاكَ صَرِيحُ الْإِيمَانِ».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 132]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{May dumating na mga tao kabilang sa mga Kasamahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagtanong sila sa kanya: "Tunay na kami ay nakatatagpo sa mga sarili namin ng minamabigat ng isa sa amin na magsalita hinggil doon." Nagsabi siya: "Nakaranas nga kayo niyon?" Nagsabi sila: "Opo." Nagsabi siya: "Iyan ay ang kalantayan ng pananampalataya."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 132]
May dumating na isang pangkat ng mga Kasamahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagtanong sila sa kanya tungkol sa natatagpuan nila sa mga sarili nila na mga malaking bagay na bumibigat sa kanila ang pagbigkas ng mga ito dahil sa kapangitan ng mga ito at pagkailang nila sa mga ito. Kaya nagsabi ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Tunay na itong natagpuan ninyo ay kalantayan ng pananampalataya at katiyakan na nagtutulak sa inyo para sa pagpigil sa ipinupukol ng demonyo sa puso at sa pagmamasama ninyo sa pagbigkas at pagmamabigat niyon sa mga sarili ninyo. Tunay na ang demonyo ay hindi nakapanaig sa mga puso ninyo, na kasalungatan sa sinumang nakapanaig ang demonyo sa puso niya at hindi siya nakatagpo laban dito ng isang pagtatanggol."