+ -

عن أبي مسعود رضي الله عنه قال: قال النبي صلى الله عليه وسلم:
«مَنْ قَرَأَ بِالْآيَتَيْنِ مِنْ آخِرِ سُورَةِ الْبَقَرَةِ فِي لَيْلَةٍ كَفَتَاهُ».

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 5009]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Ang sinumang bumigkas sa dalawang talata mula sa hulihan ng Kabanatang Al-Baqarah sa isang gabi ay makakasapat ang dalawang ito sa kanya."}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 5009]

Ang pagpapaliwanag

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang bumigkas ng dalawang huling talata ng Kabanatang Al-Baqarah sa gabi, tunay na si Allāh ay magbibigay-kasapatan sa kanya laban sa kasamaan at kinasusuklaman. Sinabing magbibigay-kasapatan ito sa kanya katumbas ng pagdarasal sa gabi. Sinasabi ring magbibigay-kasapatan ito sa kanya katumbas ng nalalabi sa mga dhikr. Sinabi ring ang dalawang talatang ito ay ang pinakakaunti na sasapat sa pagbigkas ng Qur'ān sa pagdarasal sa gabi. Sinabi rin ang iba pa roon. Marahil ang lahat ng binanggit ay tumpak na sumasaklaw rito ang pananalita.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Hapon Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda kinaadiga الولوف البلغارية Luqadda Asariga الأوكرانية الجورجية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang paglilinaw sa kainaman ng mga huling talata ng Kabanatang Al-Baqarah. Ang mga ito ay mula sa sabi ni Allāh (Qur'ān 2:285-286): {Sumampalataya ang Sugo sa anumang pinababa sa kanya mula sa Panginoon niya ...} hanggang sa wakas ng Kabanata.
  2. Ang mga huling talata ng Kabanatang Al-Baqarah ay nagtutulak palayo sa tagabigkas ng mga ito ng kasagwaan, kasamaan, at demonyo kapag binigkas ang mga ito sa gabi.
  3. Ang gabi ay nagsisimula sa paglubog ng araw at nagwawakas sa pagsapit ng madaling-araw.