عن عثمان رضي الله عنه عن النبي صلى الله عليه وسلم قال:
«خَيْرُكُمْ مَنْ تَعَلَّمَ الْقُرْآنَ وَعَلَّمَهُ».

[صحيح] - [رواه البخاري] - [صحيح البخاري: 5027]
المزيــد ...

Ayon kay `Uthmān (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Ang pinakamabuti sa inyo ay ang sinumang nagpakatuto ng Qur'ān at nagturo nito."}

[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy] - [Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy - 5027]

Ang Pagbibigay-linaw

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pinakamainam sa mga Muslim at ang pinakamataas sa kanila sa ganang kay Allāh sa antas ay ang sinumang nagpakatuto ng Qur'ān sa pagbigkas, sa pagsasaulo, sa pagtutumpak ng pagbigkas, sa pag-unawa, at pagpapakahulugan; at nagturo sa iba ng taglay niya mula sa mga kaalaman sa Qur'ān kasama ng paggawa niya ayon dito.

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth

  1. Ang paglilinaw ng karangalan ng Qur'ān at na ito ay pinakamabuting pananalita dahil ito ay pananalita ni Allāh.
  2. Ang pinakamabuti sa mga nagpapakatuto ay ang sinumang nagtuturo nito sa iba, hindi ang sinumang naglilimita sa sarili niya.
  3. Ang pagpapakatuto ng Qur'ān at ang pagtuturo nito ay sumasaklaw sa pagbigkas, mga kahulugan, at mga patakaran.
Ang Paglalahad ng mga Salin
Ang Wika: الإنجليزية الأوردية الإسبانية Ang Karagdagan (64)