+ -

عَنْ ‌حُمْرَانَ مَوْلَى عُثْمَانَ بْنِ عَفَّانَ رضي الله عنه:
أَنَّهُ رَأَى عُثْمَانَ بْنَ عَفَّانَ دَعَا بِوَضُوءٍ، فَأَفْرَغَ عَلَى يَدَيْهِ مِنْ إِنَائِهِ، فَغَسَلَهُمَا ثَلَاثَ مَرَّاتٍ، ثُمَّ أَدْخَلَ يَمِينَهُ فِي الْوَضُوءِ، ثُمَّ تَمَضْمَضَ وَاسْتَنْشَقَ وَاسْتَنْثَرَ، ثُمَّ غَسَلَ وَجْهَهُ ثَلَاثًا، وَيَدَيْهِ إِلَى الْمِرْفَقَيْنِ ثَلَاثًا، ثُمَّ مَسَحَ بِرَأْسِهِ، ثُمَّ غَسَلَ كُلَّ رِجْلٍ ثَلَاثًا، ثُمَّ قَالَ: رَأَيْتُ النَّبِيَّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَتَوَضَّأُ نَحْوَ وُضُوئِي هَذَا، وَقَالَ: «مَنْ تَوَضَّأَ نَحْوَ وُضُوئِي هَذَا ثُمَّ صَلَّى رَكْعَتَيْنِ لَا يُحَدِّثُ فِيهِمَا نَفْسَهُ غَفَرَ اللهُ لَهُ مَا تَقَدَّمَ مِنْ ذَنْبِهِ».

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 164]
المزيــد ...

Ayon kay Ḥumrān na alila ni `Uthmān bin `Affān: {Siya ay nakakita kay `Uthmān bin `Affān na nanawagan ng tubig ng wuḍū', saka nagbuhos siya sa mga kamay niya mula sa lalagyan nito, saka naghugas siya ng mga ito nang tatlong ulit. Pagkatapos nagpasok siya ng kanang kamay niya sa tubig ng wuḍū'. Pagkatapos nagmumog siya at suminghot siya [ng tubig] at suminga. Pagkatapos naghugas siya ng mukha niya nang tatlong ulit at ng mga kamay niya hanggang sa siko nang tatlong ulit. Pagkatapos nagpahid siya sa ulo niya. Pagkatapos naghugas siya ng bawat paa nang tatlong ulit. Pagkatapos nagsabi siya: "Nakakita ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsagawa ng wuḍū' tulad ng wuḍū' kong ito." Nagsabi pa siya: "Ang sinumang nagsagawa ng wuḍū' tulad ng wuḍū' kong ito pagkatapos nagdasal siya ng dalawang rak`ah nang hindi kumakausap sa dalawang ito sa sarili niya, magpapatawad si Allāh sa kanya sa nauna sa pagkakasala niya."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 164]

Ang pagpapaliwanag

Nagturo si `Uthmān (malugod si Allāh sa kanya) ng paraan ng pagsasagawa ng wuḍū' ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang praktikal na pamamaraan upang ito ay maging higit na magaling sa pagpapaliwanag. Humiling siya ng tubig sa isang lalagyan saka nagbuhos siya sa mga kamay niya nang tatlong ulit. Matapos niyon, nagpasok siya ng kanang kamay niya sa sisidlan at kumuha siya roon ng tubig saka nagpaikot siya nito sa bibig niya at nagpalabas siya nito. Pagkatapos sumalok siya mismo ng tubig papunta sa loob ng ilong niya, pagkatapos nagpalabas siya nito at nagsinga siya nito. Pagkatapos naghugas siya ng mukha niya nang talong ulit. Pagkatapos naghugas siya ng mga kamay niya kasama ng mga siko nang tatlong ulit. Pagkatapos nagparaan siya ng kamay niya sa ulo niya, na binasa ng tubig, nang iisang ulit. Pagkatapos naghugas siya ng mga paa niya kasama ng mga bukungbukong nang tatlong ulit.
Noong nakatapos siya (malugod si Allāh sa kanya), nagpabatid siya sa kanila na siya ay nakakita sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsagawa ng wuḍū' tulad ng wuḍū' na ito. Nagbalita ng nakalulugod sa kanila ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagsagawa ng wuḍū' tulad ng wuḍū' niya at nagdasal ng dalawang rak`ah nang taimtim habang nakadalo ang puso niya sa harap ng Panginoon niya (kamahal-mahalan Ito at kapita-pitagan) sa dalawang rak`ah na ito, tunay na si Allāh ay gaganti sa kanya sa kumpletong wuḍū' na ito at wagas na ṣalāh na ito ng kapatawaran sa nauna sa mga pagkakasala niya.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Hapon Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية التشيكية Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga Luqadda Asariga الأوكرانية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang pagsasakaibig-ibig ng paghuhugas ng mga kamay bago ng pagpapasok ng mga ito sa sisidlan ng tubig sa pagsisimula ng pagsasagawa ng wuḍū'. Kung siya ay hindi bumangon mula sa pagkatulog saka kung siya ay nagising mula sa pagkatulog sa gabi, kinakailangan ang maghugas ng mga ito.
  2. Nararapat sa tagapagturo na tumahak sa pinakamalapit sa mga daan tungo sa pag-intindi at pagkintal ng kaalaman sa mga nagpapakatuto. Kabilang doon ang pagtuturo sa pamamagitan ng paggawa.
  3. Nararapat sa tagapagsagawa ng ṣalāh ang pagtaboy ng mga kaisipang nauugnay sa mga pinagkakaabalahan sa Mundo sapagkat ang pagkaganap ng ṣalāh at ang pagkalubos nito ay nasa pagkadalo ng puso rito. Kung hindi magagawa sapagkat ang mga pag-iisip ay naging imposibleng maiwasan, kailangan sa kanya na makibaka sa sarili niya at hindi magpatangay roon.
  4. Ang pagsasakaibig-ibig ng pagkakanan sa pagsasagawa ng wuḍū'.
  5. Ang pagkaisinasabatas ng pagkakasunud-sunod sa pagitan ng pagmumumog, pagsinghot, at pagsinga.
  6. Ang pagsasakaibig-ibig ng paghuhugas ng mukha, mga kamay, at mga paa nang tatlong ulit. Ang kinakailangan ay isang ulit.
  7. Ang kapatawaran ni Allāh sa nauna sa mga pagkakasala ay inireresulta ng pagkakasama ng dalawang gawain: ang wuḍū' at ang ṣalāh na dalawang rak`ah ayon sa paraang nababanggit sa ḥadīth.
  8. Ang bawat bahagi ng katawan mula sa mga bahagi ng katawan na pinagsasagawaan ng wuḍū' ay may hangganan. Ang hangganan ng mukha ay mula sa mga kinahihiratiang tinutubuan ng buhok ng ulo hanggang sa anumang bumaba mula sa balbas at baba pababa at mula sa isang tainga papunta sa isang tainga pahalang. Ang hangganan ng kamay ay mula sa mga dulo ng mga daliri hanggang sa siko: ang kasukasuan sa pagitan ng pang-ibabang braso at pang-itaas na braso. Ang hangganan ng ulo ay mula sa mga kinahihiratiang tinutubuan ng buhok mula sa mga gilid ng mukha hanggang sa pinakamataas na bahagi ng batok at bahagi ng mga tainga mula sa ulo. Ang hangganan ng paa ay ang paa sa kabuuan kasama ng kasukasuan (bukungbukong) sa pagitan nito at ng binti.
Ang karagdagan