عَنْ المُغِيرَةِ رضي الله عنه قَالَ:
كُنْتُ مَعَ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ فِي سَفَرٍ، فَأَهْوَيْتُ لِأَنْزِعَ خُفَّيْهِ، فَقَالَ: «دَعْهُمَا، فَإِنِّي أَدْخَلْتُهُمَا طَاهِرَتَيْنِ» فَمَسَحَ عَلَيْهِمَا.

Ayon kay Al-Mughīrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Ako minsan ay kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang paglalakbay saka bumaba ako upang magtanggal ng khuff niya ngunit nagsabi siya: "Hayaan mo iyan sapagkat tunay na ako ay nagpasok niyan [sa paa] habang dalisay pa." Kaya nagpahid siya rito.}

Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy - 206

Ang Pagbibigay-linaw

Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay minsang nasa isa sa mga paglalakbay niya saka nagsagawa siya ng wuḍū'. Noong umabot siya sa paghuhugas ng mga paa, inaabot ni Al-Mughīrah bin Shu`bah (malugod si Allāh sa kanya) ang mga kamay niya upang tanggalin ang nakasuot sa paa ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na khuff para hugasan ang mga paa niya. Ngunit nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hayaan mo ang mga iyan at huwag mong tanggalin ang mga iyan sapagkat tunay na ako ay nagpasok ng mga paa ko sa khuff samantalang ako ay nasa kadalisayan. Kaya nagpahid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa khuff niya sa halip na maghugas ng mga paa niya.

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth

  1. Ang pagkaisinasabatas ng pagpahid sa khuff ay sa sandali ng pagsasagawa ng wuḍū' dahil sa isang maliit na ḥadath. Hinggil naman sa pagpaligo para sa malaking ḥadath, walang pag-iwas sa paghuhugas ng mga paa.
  2. Ang pagpapahid ay iisang ulit sa pamamagitan ng pagpaparaan ng kamay habang basa sa ibabaw ng khuff puwera sa ilalim nito.
  3. Isinakundisyon sa pagpahid sa khuff na ang pagkasuot nito ay matapos ng pagsasagawa ng isang ganap na wuḍū' na hinugasan dito ng tubig ang mga paa, na ang khuff ay dalisay na nakatatakip sa bahagi ng tungkuling hugasan sa paa, na ang pagpahid dito ay dahil sa maliit na ḥadath hindi dahil sa janābah o anumang nag-oobliga ng pagpaligo, at na ang pagpahid ay sa panahon na tinakdaan ayon sa Sharī`ah: isang araw at isang gabi para sa residente at tatlong araw kasama ng mga gabi ng mga ito para sa manlalakbay.
  4. Naihahambing sa khuff ang bawat nakatatakip sa mga paa gaya ng medyas at iba pa rito para mapayagan ang pagpahid sa mga ito.
  5. Ang kagandahan ng kaasalan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at pagtuturo niya yayamang pinigilan niya si Al-Mughīrah sa paghubad ng khuff at nilinaw niya sa kanya ang kadahilanan: na siya ay nagsuot nito habang dalisay pa ito, upang mapanatag ang sarili niyon at makaalam iyon sa kahatulan.

Ang Paglalahad ng mga Salin

58 Ang Wika
EN English الإنجليزية
UR اردو الأوردية
ES Español الإسبانية
ID Indonesia الإندونيسية
UG ئۇيغۇرچە الأيغورية
BN বাংলা البنغالية
FR Français الفرنسية
TR Türkçe التركية
RU Русский الروسية
BS Bosanski البوسنية
SI සිංහල السنهالية
HI हिन्दी الهندية
ZH 中文 الصينية
FA فارسی الفارسية
VI Tiếng Việt الفيتنامية
KU Kurdî الكردية
HA Hausa الهوسا
PT Português البرتغالية
ML മലയാളം المليالم
TE తెలుగు التلغو
SW Kiswahili السواحيلية
TA தமிழ் التاميلية
MY မြန်မာ البورمية
TH ไทย التايلندية
DE Deutsch الألمانية
PS پښتو بشتو
AS অসমীয়া الأسامية
SQ Shqip الألبانية
SV Svenska السويدية
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
KY Кыргызча القيرقيزية
NE नेपाली النيبالية
YO Yorùbá اليوروبا
LT Lietuvių الليتوانية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
SO Soomaali الصومالية
TG тоҷикӣ الطاجيكية
RW Kinyarwanda الكينياروندا
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
CS Čeština التشيكية
MOS Moore الموري
MG Malagasy المالاجاشية
OM Oromoo الأورومو
KN ಕನ್ನಡ الكانادا
WO Wolof الولوف
AZ Azərbaycan الأذربيجانية
UZ O‘zbek الأوزبكية
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية
KMR Kurmancî الكرمنجية