عَنْ أَبِي عَبْدِ الرَّحْمَنِ السُّلَمي رحمه الله قَالَ:
حَدَّثَنَا مَنْ كَانَ يُقْرِئُنَا مِنْ أَصْحَابِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ أَنَّهُمْ كَانُوا يَقْتَرِئُونَ مِنْ رَسُولِ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ عَشْرَ آيَاتٍ، فَلَا يَأْخُذُونَ فِي الْعَشْرِ الْأُخْرَى حَتَّى يَعْلَمُوا مَا فِي هَذِهِ مِنَ الْعِلْمِ وَالْعَمَلِ، قَالُوا: فَعَلِمْنَا الْعِلْمَ وَالْعَمَلَ.
[حسن] - [رواه أحمد] - [مسند أحمد: 23482]
المزيــد ...
Ayon kay Abū `Abdurraḥmān As-Sulamīy (kaawaan siya ni Allāh) na nagsabi:
"Nagsanaysay sa amin ang nagpapabigkas sa amin [ng Qur'ān] kabilang sa mga Kasamahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na sila noon ay bumibigkas mula sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng sampung talata saka hindi sila kumukuha sa sampung [talatang] iba pa hanggang sa makaalam sila ng nasa mga ito na kaalaman at gawain. Nagsabi sila: Kaya nakaalam kami ng kaalaman at gawain."
[Maganda] - [Isinaysay ito ni Imām Aḥmad] - [مسند أحمد - 23482]
Ang mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) ay tumatanggap noon mula sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng sampung āyah mula sa Qur'ān at hindi sila lumilipat sa iba pa sa mga ito hanggang sa matutunan nila ang nasa sampung āyah na ito na kaalaman at nagsasagawa sila ayon sa mga ito. Kaya naman nakaalam sila ng kaalaman at gawain nang sabayan.