+ -

عن أبي هريرة رضي الله عنه أن رسول الله صلى الله عليه وسلم قال:
«أَتَدْرُونَ مَا الْغِيبَةُ؟»، قَالُوا: اللهُ وَرَسُولُهُ أَعْلَمُ، قَالَ: «ذِكْرُكَ أَخَاكَ بِمَا يَكْرَهُ»، قِيلَ: أَفَرَأَيْتَ إِنْ كَانَ فِي أَخِي مَا أَقُولُ؟ قَالَ: «إِنْ كَانَ فِيهِ مَا تَقُولُ فَقَدِ اغْتَبْتَهُ، وَإِنْ لَمْ يَكُنْ فِيهِ فَقَدْ بَهَتَّهُ».

[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 2589]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Nakaaalam ba kayo kung ano ang panlilibak?" Nagsabi sila: "Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na maalam." Nagsabi siya: "[Ito] ang pagbanggit mo ng kapatid mo hinggil sa anumang kasusuklaman niya." Sinabi: "Kaya ano po sa tingin mo kung nasa kapatid ko ang sinasabi ko?" Nagsabi siya: "Kung naging nasa kanya ang sinasabi mo, nanlibak ka nga sa kanya; at kung hindi ito naging nasa kanya, nanirang-puri ka nga sa kanya."}

[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 2589]

Ang pagpapaliwanag

Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa reyalidad ng panlilibak na ipinagbabawal. Ito ay ang pagbanggit sa Muslim na nakaliban hinggil sa kasusuklaman niya, maging ito man ay kabilang sa mga katangian niyang pisikal o etikal, tulad ng siya raw ay kirat, mapandaya, palasinungaling, at tulad niyon kabilang sa mga katangian ng pagpula, kahit pa man ang katangiang iyon ay nariyan sa kanya.
Tungkol naman sa kapag hindi naging nasa kanya ang nasabing katangian, ito ay higit na matindi kaysa sa panlilibak. Ito ay ang paninirang-puri. Ibig sabihin: ang paggawa-gawa laban sa tao ng wala naman sa kanya.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Hapon Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka الفولانية Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف البلغارية Luqadda Asariga الأوزبكية الأوكرانية الجورجية اللينجالا المقدونية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang kagandahan ng pagtuturo ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) yayamang naglalahad siya ng mga usapin sa paraang patanong.
  2. Ang kagandahan ng etiketa ng mga Kasamahan sa harap ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang nagsabi sila: "Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na maalam."
  3. Ang pagsabi ng tinatanong tungkol sa hindi niya nalalaman ng: "Si Allāh ay higit na maalam."
  4. Ang pangangalaga ng Batas ng Islām sa lipunan sa pamamagitan ng pag-iingat sa mga karapatan at kapatiran sa pagitan nila.
  5. Ang panlilibak ay ipinagbabawal maliban sa ilan sa mga kalagayan para sa kapakanan. Kabilang doon ang pagtulak ng kawalang-katarungan kung saan babanggitin ng taong nalabag sa katarungan ang lumabag sa kanya sa katarungan sa harap ng sinumang nakakakaya sa pagbawi sa karapatan niya. Ito ay gaya ng pagsabi ng ganito: "Lumabag sa katarungan sa akin si Polano" o "Gumawa siya sa akin ng gayon." Kabilang sa mga ito ang pakikisawsaw sa nauukol sa mag-asawa o pakikilahok o panghihimasok o tulad nito.