+ -

عن أبي هريرة رضي الله عنه قال: سمعت رسول الله صلى الله عليه وسلم يقول:
«حَقُّ الْمُسْلِمِ عَلَى الْمُسْلِمِ خَمْسٌ: رَدُّ السَّلَامِ، وَعِيَادَةُ الْمَرِيضِ، وَاتِّبَاعُ الْجَنَائِزِ، وَإِجَابَةُ الدَّعْوَةِ، وَتَشْمِيتُ الْعَاطِسِ».

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 1240]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:
"Ang karapatan ng Muslim sa Muslim ay lima: ang pagtugon sa pagbati, ang pagdalaw sa maysakit, ang pagdalo sa libing, ang pagtugon sa paanyaya, at ang pagsambit ng tashmīt sa bumahin."}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 1240]

Ang pagpapaliwanag

Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng ilan sa mga karapatan ng Muslim sa kapwa niyang Muslim. Ang kauna-unahan sa mga karapatang ito ay ang pagtugon sa pagbati ng sinumang nagbigay sa iyo ng pagbati.
Ang ikalawang karapatan ay ang pagdalaw sa maysakit at ang pagbisita sa kanya.
Ang ikatlong karapatan ay ang pagdalo sa libing niya mula sa bahay niya hanggang sa pinagdarasalan hanggang sa sementeryo hanggang sa mailibing.
Ang ikaapat na karapatan ay ang pagtugon sa paanyaya niya kapag nag-anyaya sa isang piging ng kasal at iba pa roon.
Ang ikalimang karapatan ay ang pagsasagawa ng tashmīṭ sa bumahin. Ito ay ang magsabi sa kanya, kapag nagsabi siya ng Alḥamdu lillāh (Ang papuri ay ukol kay Allāh), ng Yarḥamuka –llāh (Maawa nawa sa iyo si Allāh). Pagkatapos magsasabi naman ang bumahin ng Yahdīkumu –llāhu wa-yuṣliḥu bālakum (Magpatnubay nawa sa inyo si Allāh at magsaayos ng lagay ninyo).

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Hapon Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga Luqadda Asariga الأوزبكية الأوكرانية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang kadakilaan ng Islām sa pagbibigay-diin sa mga karapatan sa pagitan ng mga Muslim at pagpapatibay sa kapatiran at pag-ibig sa pagitan nila.