عن أبي بَشير الأنصاري رضي الله عنه:
أَنَّهُ كَانَ مَعَ رَسُولِ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ فِي بَعْضِ أَسْفَارِهِ، قَالَ: فَأَرْسَلَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ رَسُولًا -وَالنَّاسُ فِي مَبِيتِهِمْ-: «لَا يَبْقَيَنَّ فِي رَقَبَةِ بَعِيرٍ قِلَادَةٌ مِنْ وَتَرٍ أَوْ قِلَادَةٌ إِلَّا قُطِعَتْ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح مسلم: 2115]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Bashīr Al-Anṣārīy (malugod si Allāh sa kanya):
{Na siya ay kasama ng Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) sa isa sa mga paglalakbay nito. Nagsabi siya: Nagsugo ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang sugo – habang ang mga tao ay nasa pinagmamagdamagan nila – [na mag-uutos]: "Wala ngang matitira sa leeg ng isang kamelyo na isang kuwintas na yari sa kuwerdas o isang kuwintas [na anuman] malibang puputulin ito."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح مسلم - 2115]
Nangyaring ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nasa isa sa mga paglalakbay niya habang ang mga tao ay nasa lugar ng pagtulog nila na nagpapamagdamag sila roon sa mga tigilan nila at mga kubol nila, saka nagsugo siya ng isang tao papunta sa mga tao, na nag-uutos sa kanila ng pagputol ng mga kuwintas na isinasabit sa mga kamelyo, maging ang mga ito man ay yari sa kuwerdas – kuwerdas ng pana – o yari sa iba pa rito gaya ng kampanilya o sandalyas. Iyon ay dahil sila noon ay nagpapakuwintas ng mga ito bilang pag-iingat laban sa usog. Inutusan sila na pumutol ng mga ito dahil ang mga ito ay hindi nakapagtataboy palayo sa kanila ng anuman at na ang pakinabang at ang pinsala ay nasa kamay ni Allāh – tanging sa Kanya: walang katambal sa Kanya.