عَنْ عُقْبَةَ بْنِ عَامِرٍ الْجُهَنِيِّ رضي الله عنه:
أَنَّ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ أَقْبَلَ إِلَيْهِ رَهْطٌ، فَبَايَعَ تِسْعَةً وَأَمْسَكَ عَنْ وَاحِدٍ، فَقَالُوا: يَا رَسُولَ اللهِ، بَايَعْتَ تِسْعَةً وَتَرَكْتَ هَذَا؟ قَالَ: «إِنَّ عَلَيْهِ تَمِيمَةً»، فَأَدْخَلَ يَدَهُ فَقَطَعَهَا، فَبَايَعَهُ، وَقَالَ: «مَنْ عَلَّقَ تَمِيمَةً فَقَدْ أَشْرَكَ».
[حسن] - [رواه أحمد] - [مسند أحمد: 17422]
المزيــد ...
Ayon kay `Uqbah bin `Āmir Al-Juhanīy (malugod si Allāh sa kanya):
{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay pinuntahan ng isang pangkat. Tumanggap siya ng pangako ng katapatan ng siyam at nagpigil siya sa isa kaya nagsabi sila: "Tumanggap ka ng pangako ng katapatan ng siyam at nag-iwan ka rito?" Nagsabi siya: "Tunay na sa kanya ay may anting-anting." Kaya nagpasok ito ng kamay nito saka pinutol iyon kaya tumanggap siya ng pangako ng katapatan nito at nagsabi siya: "Ang sinumang nagsuot ng anting-anting, nagtambal nga siya [kay Allāh]."}
[Maganda] - [Isinaysay ito ni Imām Aḥmad] - [مسند أحمد - 17422]
May dumating na isang grupo sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Ang bilang nila ay sampu. Tumanggap siya ng pangako ng katapatan ng siyam sa kanila sa pag-anib sa Islām at pakikipagsunuran at hindi siya tumanggap sa pangako ng katapatan ng ikasampu. Noong tinanong siya tungkol sa kadahilanan niyon, nagsabi siya (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Tunay na sa kanya ay may anting-anting." Ito ay ang itinatali o ang isinasabit na yari sa abaloryo (beads) para sa pagtulak daw sa usog at pinsala. Kaya ipinasok ng lalaki ang kamay nito sa kinalalagyan ng anting-anting, pinutol nito iyon at iwinaksi nito iyon. Kaya naman tumanggap ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pangako ng katapatan nito sa sandaling iyon. Nagsabi siya habang nagbibigay-babala laban sa mga anting-anting at habang naglilinaw sa kahatulan sa mga ito: "Ang sinumang nagsuot ng anting-anting, nagtambal nga siya [kay Allāh]."