+ -

عن أبي هريرة رضي الله عنه: أن رسول الله صلى الله عليه وسلم قال:
«لَا تَجْعَلُوا بُيُوتَكُمْ مَقَابِرَ، إِنَّ الشَّيْطَانَ يَنْفِرُ مِنَ الْبَيْتِ الَّذِي تُقْرَأُ فِيهِ سُورَةُ الْبَقَرَةِ».

[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 780]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Huwag kayong gumawa sa mga bahay ninyo bilang mga libingan; tunay na ang demonyo ay lumalayo sa bahay na binibigkas doon ang Kabanatang Al-Baqarah."}

[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 780]

Ang pagpapaliwanag

Sumasaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pag-aalis ng ṣalāh sa mga bahay kaya ang mga ito ay nagiging gaya ng mga sementeryo na hindi pinagsasagawaan ng ṣalāh.
Pagkatapos nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang demonyo ay lumalayo sa bahay na binibigkas doon ang Kabanatang Al-Baqarah.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Hapon Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda kinaadiga الولوف البلغارية Luqadda Asariga الأوكرانية الجورجية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang pagsasakaibig-ibig ng pagpaparami ng mga pagsamba at ṣalāh na kusang-loob sa mga bahay.
  2. Hindi pinapayagan ang pagsasagawa ng ṣalāh sa mga sementeryo dahil ito ay isang kaparaanan kabilang sa mga kaparaanan ng Shirk at pagpapalabis kaugnay sa mga nakalibing sa mga ito, maliban pa sa ṣalāh ng paglilibing.
  3. Ang pagsaway laban sa pagsasagawa ng ṣalāh sa tabi ng mga libingan ay napagtibay nga sa ganang mga Kasamahan. Dahil doon, sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa paggawa sa mga bahay tulad ng mga sementeryo na hindi pinagsasagawaan ng ṣalāh.
Ang karagdagan