«لَا تَزُولُ قَدَمَا عَبْدٍ يَوْمَ القِيَامَةِ حَتَّى يُسْأَلَ عَنْ عُمُرِهِ فِيمَا أَفْنَاهُ، وَعَنْ عِلْمِهِ فِيمَ فَعَلَ، وَعَنْ مَالِهِ مِنْ أَيْنَ اكْتَسَبَهُ وَفِيمَ أَنْفَقَهُ، وَعَنْ جِسْمِهِ فِيمَ أَبْلَاهُ». المزيد
Ayon kay Abū Barzah Al-Aslamīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Hindi matitinag ang dalawang paa ng isang tao sa Araw ng Pagbangon hanggang sa matanong siya tungkol sa buhay niya kung sa ano siya umubos nito, tungkol sa kaalaman niya kung sa ano siya gumamit nito, tungkol sa yaman niya kung mula saan siya kumita nito at kung sa ano siya gumastos nito, at tungkol sa katawan niya kung sa ano siya lumaspag nito?"}