+ -

عن تميم الداري رضي الله عنه أن النبي صلى الله عليه وسلم قال:
«الدِّينُ النَّصِيحَةُ» قُلْنَا: لِمَنْ؟ قَالَ: «لِلهِ وَلِكِتَابِهِ وَلِرَسُولِهِ وَلِأَئِمَّةِ الْمُسْلِمِينَ وَعَامَّتِهِمْ».

[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 55]
المزيــد ...

Ayon kay Tamīm Ad-Dārīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Ang Relihiyon ay ang pagpapayo." Nagsabi kami: "Alang-alang kanino po?" Nagsabi siya: "Alang-alang kay Allāh, alang-alang sa Aklat Niya, alang-alang sa Sugo Niya, at alang-alang sa mga pinuno ng mga Muslim at madla nila."}

[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 55]

Ang pagpapaliwanag

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang Relihiyon ay nakasalalay sa pagpapakawagas at katapatan nang sa gayon gampanan ito, gaya ng pag-obliga ni Allāh, nang lubos nang walang pagkukulang o pandaraya.
Kaya sinabi si Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kung alang-alang kanino ang pagpapayo? Kaya naman nagsabi siya:
UNA: Ang pagpapayo alang-alang kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) sa pamamagitan ng pagpapakawagas sa gawain ukol sa Kanya at hindi pagtatambal sa Kanya; pagsampalataya natin sa pagkapanginoon Niya, pagkadiyos Niya, at mga pangalan Niya at mga katangian Niya; pagdakila sa nauukol sa Kanya; at pag-aanyaya tungo sa pananampalataya sa Kanya.
IKALAWA: Ang pagpapayo alang-alang sa Aklat Niya, ang Marangal na Qur'ān, sa pamamagitan ng paniniwala na ito ay Salita Niya at kahuli-hulihan sa mga kasulatan Niya at na ito ay tagapagpawalang-bisa sa lahat ng mga pagbabatas bago nito. Nagdadakila tayo nito, bumibigkas tayo nito nang totoong pagbigkas dito, nagsasagawa tayo ng isinatahasan dito at ng pagpapasakop sa isinatalinghaga rito, nagwawaksi tayo para rito ng pagbibigay-kahulugan ng mga tagapilipit nito, nagsasaalang-alang tayo sa mga pangaral nito, nagpapalaganap tayo ng mga kaalaman nito, at nag-aanyaya tayo tungo rito.
IKATLO: Ang pagpapayo alang-alang sa Sugo Niya, si Muḥammad (basbasan Niya siya at pangalagaan), sa pamamagitan ng paniniwala natin na siya ay ang kahuli-hulihan sa mga sugo, pagpapatotoo natin sa kanya sa anumang inihatid niya, pagsunod natin sa utos niya at pag-iwas natin sa sinasaway niya, hindi pagpapakamananamba natin kay Allāh malibang ayon sa inihatid niya, pagdakila natin sa karapatan niya, pagpipitagan natin sa kanya, pagpapakalat natin ng paanyaya niya, pagpapalaganap natin ng Batas niya, at pagkakaila natin ng mga paratang laban sa kanya.
IKAAPAT: Ang pagpapayo alang-alang sa mga pinuno ng mga Muslim sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa kanila sa katotohanan, hindi pakikipag-agawan sa kanila sa katungkulan, at ng pakikinig at pagtalima sa kanila kaugnay sa pagtalima kay Allāh.
IKALIMA: Ang pagpapayo alang-alang sa mga Muslim sa pamamagitan ng paggawa ng maganda sa kanila, pag-aanyaya sa kanila, pagpigil ng perhuwisyo sa kanila, pag-ibig sa kabutihan para sa kanila, at pakikipagtulungan sa kanila sa pagsasamabuting-loob at pangingilag sa pagkakasala.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Hapon Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka الفولانية Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف البلغارية Luqadda Asariga الأوزبكية الأوكرانية الجورجية اللينجالا المقدونية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang pag-uutos ng pagpapayo sa lahat.
  2. Ang bigat ng katayuan ng pagpapayo kaugnay sa Relihiyon.
  3. Ang pagkasaklaw ng Relihiyon sa mga paniniwala, mga sinasabi, at mga ginagawa.
  4. Bahagi ng pagpapayo ang pagdadalisay sa sarili mula sa pandaraya sa pinapayuhan at pagnanais ng kabutihan sa kanya.
  5. Ang kagandahan ng pagtuturo ng Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) yayamang bumabanggit siya ng paksa sa kabuuan pagkatapos nagdedetalye siya nito.
  6. Ang pagsisimula sa pinakamahalaga saka pinakamahalaga yayamang nagsimula ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagpapayo alang-alang kay Allāh, pagkatapos alang-alang sa Aklat Nito, pagkatapos alang-alang sa Sugo Nito (basbasan siya Nito at pangalagaan), pagkatapos alang-alang sa mga pinuno ng mga Muslim, pagkatapos sa mga madla nila.