«لاَ تُسَافِرِ المَرْأَةُ مَسِيرَةَ يَوْمَيْنِ إِلَّا وَمَعَهَا زَوْجُهَا أَوْ ذُو مَحْرَمٍ، وَلاَ صَوْمَ فِي يَوْمَيْنِ: الفِطْرِ وَالأَضْحَى، وَلاَ صَلاَةَ بَعْدَ الصُّبْحِ حَتَّى تَطْلُعَ الشَّمْسُ، وَلاَ بَعْدَ العَصْرِ حَتَّى تَغْرُبَ، وَلاَ تُشَدُّ الرِّحَالُ إِلَّا إِلَى ثَلاَثَةِ مَسَاجِدَ: مَسْجِدِ الحَرَامِ، وَمَسْجِدِ الأَقْصَى، وَمَسْجِدِي هَذَا». المزيد
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) – na nakipaglaban kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa labindalawang labanan – na nagsabi: {Nakarinig ako ng apat mula sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagpahanga ang mga ito sa akin. Nagsabi siya:
"Hindi maglalakbay ang babae ng isang distansiya ng dalawang araw [na paglalakbay] malibang habang kasama sa kanya ang asawa niya o ang isang maḥram. Walang pag-aayuno sa dalawang araw: sa Pagdiriwang ng Pagtigil-ayuno at sa Pagdiriwang ng Pag-aalay. Walang ṣalāh matapos ng ṣalāh sa madaling-araw hanggang sa sumikat ang araw at wala matapos ng ṣalāh sa hapon hanggang sa lumubog [ang araw]. Hindi isinasagawa ang mga natatanging paglalakbay kundi papunta sa tatlong masjid: Masjid ng Pinakababanal, Masjid ng Liblib, at Masjid kong ito."}