1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga Kategorya

Ḥadīth Ang bawat isa sa inyo ay tagapangalaga saka pinananagot sa alaga niya

عَنْ عَبْدِ اللَّهِ بنِ عُمرَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُما أَنَّ رَسُولَ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:

«كُلُّكُمْ رَاعٍ فَمَسْئُولٌ عَنْ رَعِيَّتِهِ، فَالأَمِيرُ الَّذِي عَلَى النَّاسِ رَاعٍ وَهُوَ مَسْئُولٌ عَنْهُمْ، وَالرَّجُلُ رَاعٍ عَلَى أَهْلِ بَيْتِهِ وَهُوَ مَسْئُولٌ عَنْهُمْ، وَالمَرْأَةُ رَاعِيَةٌ عَلَى بَيْتِ بَعْلِهَا وَوَلَدِهِ وَهِيَ مَسْئُولَةٌ عَنْهُمْ، وَالعَبْدُ رَاعٍ عَلَى مَالِ سَيِّدِهِ وَهُوَ مَسْئُولٌ عَنْهُ، أَلاَ فَكُلُّكُمْ رَاعٍ وَكُلُّكُمْ مَسْئُولٌ عَنْ رَعِيَّتِهِ».

Ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Ang bawat isa sa inyo ay tagapangalaga saka pinananagot sa alaga niya. Kaya ang pinuno sa mga tao ay tagapangalaga at siya ay pinananagot sa kanila. Ang lalaki ay tagapangalaga sa sambahayan niya at siya ay pinananagot sa kanila. Ang babae ay tagapangalaga sa bahay ng asawa niya at anak nito at siya ay pinananagot sa kanila. Ang pinapanginoon ay tagapangalaga sa ari-arian ng amo niya at siya ay pinananagot dito. Pansinin, bawat isa sa inyo ay tagapangalaga at bawat isa sa inyo ay pinananagot sa alaga niya."}

Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy - 2554

Ang Pagbibigay-linaw

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na sa bawat Muslim sa lipunan ay may pananagutang pangangalagaan niya at papasanin niya. Ang tagapanguna at ang pinuno ay tagapangalaga sa ipinangalagaan sa kanya ni Allāh kaya kailangan sa kanya ang mag-ingat sa mga batas nila, ang magsanggalang sa kanila laban sa nang-api sa kanila, ang makibaka sa kaaway nila, at ang hindi magwala sa mga karapatan nila. Ang lalaki sa sambahayan niya ay naatangan ng pagsasagawa sa kanila ng paggugol, kagandahan ng pakikisama, pagtuturo sa kanila, at pagdisiplina sa kanila. Ang babae sa bahay ng asawa niya ay tagapangalaga sa pamamagitan ng kagandahan ng pangangasiwa sa bahay nito at pagpapalaki sa mga anak nito. Siya ay pinananagot doon. Ang tagapaglingkod na minamay-ari o ang upahan ay pinananagot sa ari-arian ng amo niya sa pamamagitan ng pagsasagawa ng pag-iingat sa anumang nasa kamay niya mula sa amo at paglilingkod dito. Siya ay pinananagot doon. Kaya ang bawat isa ay tagapangalaga sa ipinangalagaan sa kanya at ang bawat isa ay pinananagot sa alaga niya.

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth

  1. Ang pananagutan sa lipunang Muslim ay pangkalahatan. Ang bawat isa ay pinananagot ayon sa kaangkupan niya, kakayahan niya, at pananagutan niya.
  2. Ang bigat ng pananagutan ng babae. Iyon ay sa pamamagitan ng pagsasagawa ng tungkulin sa bahay ng asawa niya at mga kinakailangan sa kanya tungo sa mga anak niya.

Ang Paglalahad ng mga Salin

58 Ang Wika
EN English الإنجليزية
UR اردو الأوردية
ES Español الإسبانية
ID Indonesia الإندونيسية
UG ئۇيغۇرچە الأيغورية
BN বাংলা البنغالية
FR Français الفرنسية
TR Türkçe التركية
RU Русский الروسية
BS Bosanski البوسنية
SI සිංහල السنهالية
HI हिन्दी الهندية
ZH 中文 الصينية
FA فارسی الفارسية
VI Tiếng Việt الفيتنامية
KU Kurdî الكردية
HA Hausa الهوسا
PT Português البرتغالية
ML മലയാളം المليالم
TE తెలుగు التلغو
SW Kiswahili السواحيلية
MY မြန်မာ البورمية
TH ไทย التايلندية
DE Deutsch الألمانية
PS پښتو بشتو
AS অসমীয়া الأسامية
SQ Shqip الألبانية
SV Svenska السويدية
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
KY Кыргызча القيرقيزية
NE नेपाली النيبالية
YO Yorùbá اليوروبا
LT Lietuvių الليتوانية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
SO Soomaali الصومالية
TG тоҷикӣ الطاجيكية
RW Kinyarwanda الكينياروندا
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
CS Čeština التشيكية
MOS Moore الموري
MG Malagasy المالاجاشية
IT Italiano الإيطالية
OM Oromoo الأورومو
KN ಕನ್ನಡ الكانادا
WO Wolof الولوف
AZ Azərbaycan الأذربيجانية
UZ O‘zbek الأوزبكية
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية
KMR Kurmancî الكرمنجية
Ang mga Kategorya
  • . .
  • . . .
  • . .