عن عبد الله بن عمر رضي الله عنهما قال:
سَمِعَ النَّبِيُّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ رَجُلًا يَعِظُ أَخَاهُ فِي الْحَيَاءِ، فَقَالَ: «الْحَيَاءُ مِنَ الْإِيمَانِ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح مسلم: 36]
المزيــد ...
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi:
{Nakarinig ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang lalaking nangangaral sa kapatid nito kaugnay sa pagkahiya, kaya naman nagsabi siya: "Ang pagkahiya ay bahagi ng pananampalataya."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح مسلم - 36]
Nakarinig ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang lalaking nagpapayo sa kapatid nito na iwaksi niya ang kadalasan ng pagkahiya kaya naglinaw siya rito na ang pagkahiya ay bahagi ng pananampalataya at na ito ay walang inihahatid kundi kabutihan.
Ang pagkahiya ay isang kaasalang nagdadala sa paggawa ng marikit at pagwaksi ng pangit.