عن جرير بن عبد الله رضي الله عنه قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم:
«مَنْ لَا يَرْحَمِ النَّاسَ لَا يَرْحَمْهُ اللهُ عَزَّ وَجَلَّ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح مسلم: 2319]
المزيــد ...
Ayon kay Jarīr bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Ang sinumang hindi naaawa sa mga tao ay hindi maaawa sa kanya si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan)."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح مسلم - 2319]
Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang hindi naaawa sa mga tao ay hindi maaawa sa kanya si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Kaya naman ang pagkaawa ng tao sa nilikha ay kabilang sa pinakamalaki sa mga kadahilanan na ikinatatamo ng awa ni Allāh (napakataas Siya).