عَن ابنِ عباسٍ رضي الله عنهما أنَّ رسولَ اللهِ صلي الله عليه وسلم قال:
«لَو يُعطَى النّاسُ بدَعواهُم لادَّعَى رِجالٌ أموالَ قَومٍ ودِماءَهُم، ولَكِنَّ البَيِّنَةَ على المُدَّعِى، واليَمينَ على مَن أنكَرَ».
[صحيح] - [رواه البيهقي] - [السنن الكبرى للبيهقي: 21243]
المزيــد ...
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Kung sakaling bibigyan ang mga tao dahil sa pag-aangkin nila, talaga sanang may nag-angkin na mga lalaki ng mga yaman ng mga tao at mga buhay ng mga ito; subalit ang katunayan ay nasa nag-aangkin at ang pa ay nasa sinumang nagkaila."}
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imam Al-Bayhaqie] - [السنن الكبرى للبيهقي - 21243]
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kung sakaling bibigyan ang mga tao dahil sa simpleng pag-aangkin nila nang walang mga patunay ni mga katibayan, talaga sanang may nag-angkin na mga tao ng mga yaman ng mga ibang tao at mga buhay ng mga ito; subalit kinakailangan sa tagapag-angkin ang paghahain ng katunayan at patunay sa anumang hinihiling niya. Kung hindi siya nagkaroon ng isang katunayan, ilalahad ang pag-aangkin sa inaangkinan. Kung nagkaila nito ang inaangkinan, kailangan sa kanya ang sumumpa at mapawawalang-sala siya.