عن معاذ بن جبل رضي الله عنه أن النبي صلى الله عليه وسلم قال: «يَا مُعَاذ، واللهِ، إِنِّي لَأُحِبُّكَ، ثُمَّ أُوصِيكَ يَا مُعَاذُ، لاَ تَدَعَنَّ فِي دُبُرِ كُلِّ صَلاَة تَقُول: اللَّهُمَّ أَعِنِّي عَلَى ذِكْرِكَ، وَشُكْرِكَ، وَحُسْنِ عِبَادَتِكَ».
[صحيح] - [رواه أبو داود والنسائي ومالك وأحمد]
المزيــد ...
Ayon kay Mu`ādh bin Jabal, malugod si Allah sa kanya-Katotohanang ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsabi:(( O Muadh,Sumpa sa Allah;Katotohanan ikaw ay iniibig ko,Pagkatapos ay nagtatagubilin ako sa iyo O Muadh,Huwag mong iwan sa bawat pagtatapos ng pagdarasal na sabihin mong: O Allah,Tulungan ako sa Pag-aalaala sa Iyo,at sa Pagpapasalamat sa Iyo,at sa Mabuting Pagsamba sa Iyo.
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad - Isinaysay ito ni Imām Mālik]
Inilalarawan sa Hadith ni Muadh,Bilang bagong katuruaan mula sa katuraan ng Pagmamahalan sa Islam,Na kung saan ang bunga nito ay pangangaral at pagpapatnubay sa kabutihan,Sapagkat ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ay nagsabi kay Muadh: "Katotohanang iniibig kita" At sumumpa siya,Nagsabi siya: "Sumpa sa Allah,Katotohanang iniibig kita" At ito ay napakadakilang kainaman para kay Muadh bin Jabal-malugod si Allah sa kanya-Na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay iniibig siya,At ang nagmamahal ay hindi nagkakait sa mahal niya ng mga mabubuting bagay para sa kanya,at kaya niya ito sinabi sa kanya ay upang maging handa sa anumang sasabihin niya sa kanya;Sapagkat sasabihin ito sa kanya ng mula sa nagmamahal.Pagkatapos ay nagsabi siya sa kanya:"Huwag mong iwan sa pagtatapos ng bawat pagdarasal" ibig sabihin ay ang mga obligadong dasal."O Allah,Tulungan ako sa Pag-aalaala sa Iyo,at sa Pagpapasalamat sa Iyo,at sa Mabuting Pagsamba sa Iyo" At ang pagtatapos ng bawat pagdarasal ibig sabihin ay sa huling pagdarasal bago isagawa ang Taslem.Ganito ito naisaad sa mga ibang salaysay, na sasabihin niya ito bago isagawa ang Taslem,at ito ang katotohanan.At tulad ng napagtibay:Na ang pagtatanto sa Pagtatapos ibig sabihin ay pagtatapos ng pagdarasal,Kapag ito ay Panalangin,ito ay gaganapin bago isagawa ang Taslem,At kapag ito ay Pag-aalaala,ito ay gaganapin pagkatapos ng Taslem, At pinapatunayan sa Pamantayang ito na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay nagsabi sa Hadith ni Ibn Mas-`ud sa pagsasagawa ng Tashahhud,batay sa nabanggit niya,nagsabi siya:Pagkatapos ay mamili siya ng Panalangin,anumang naisin niya,o anumang ibigin niya ,o sa anumang nagustuhan niya, At ang pananalangin,Nagsabi si Allah-Pagkataas-taas Niya: {At kung inyo nang natapos ang inyong pagdarasal,inyong alalahanin si Allah kahima`t kayo ay nakatayo,naka-upo o nakahimlay sa inyong tagiliran} At sa sinabi niya: "Tulungan ako sa Pag-aalaala sa Iyo" ibig sabihin : sa bawat pananalita na [magiging dahilan] sa pagiging malapit kay Allah,at sa lahat ng bagay na [magiging dahilan] sa pagiging malapit kay Allah,Ito ay kabilang sa Pag-aalaala sa Allah at Pagpapasalamat sa Kanya;Ibig sabihin ay: Pagpapasalamat sa mga biyaya at Pagpigil sa Sakuna ni Allah,Ilan pa sa mga biyaya [Ang ipinagkaloob] ni Allah para sa kanyang likha,at ilan ang sakuna na napigilan sa kanila,Pinasasalamatan nila sa Allah ang mga ito.