عَنْ مُعَاذٍ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ، قَالَ:
كُنْتُ رِدْفَ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ عَلَى حِمَارٍ يُقَالُ لَهُ عُفَيْرٌ، فَقَالَ: «يَا مُعَاذُ، هَلْ تَدْرِي حَقَّ اللَّهِ عَلَى عِبَادِهِ، وَمَا حَقُّ العِبَادِ عَلَى اللَّهِ؟»، قُلْتُ: اللَّهُ وَرَسُولُهُ أَعْلَمُ، قَالَ: «فَإِنَّ حَقَّ اللَّهِ عَلَى العِبَادِ أَنْ يَعْبُدُوهُ وَلا يُشْرِكُوا بِهِ شَيْئًا، وَحَقَّ العِبَادِ عَلَى اللَّهِ أَنْ لا يُعَذِّبَ مَنْ لا يُشْرِكُ بِهِ شَيْئًا»، فَقُلْتُ: يَا رَسُولَ اللَّهِ أَفَلاَ أُبَشِّرُ بِهِ النَّاسَ؟ قَالَ: «لا تُبَشِّرْهُمْ، فَيَتَّكِلُوا».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 2856]
المزيــد ...
Ayon kay Mu`ādh (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Minsan ako ay angkas ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang asno na tinatawag na `Ufayr saka nagsabi siya: "O Mu`ādh, nakaaalam ka ba sa karapatan ni Allāh sa mga lingkod Niya at kung ano ang karapatan ng mga lingkod kay Allāh?" Nagsabi ako: "Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na maaalam." Nagsabi siya: "Tunay na ang karapatan ni Allāh sa mga lingkod ay na sumamba sila sa Kanya at hindi sila magtambal sa Kanya ng anuman at ang karapatan ng mga lingkod kay Allāh ay na hindi Siya magparusa sa sinumang hindi nagtatambal sa Kanya ng anuman." Kaya nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, kaya hindi ba ako magbabalita nito sa mga tao?" Nagsabi siya: "Huwag kang magbalita sa kanila para hindi sila sumalig."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 2856]
Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng karapatan ni Allāh sa mga lingkod at karapatan ng mga lingkod kay Allāh, na ang karapatan ni Allāh sa mga lingkod ay na sumamba sila sa Kanya at hindi sila magtambal sa Kanya ng anuman, at na ang karapatan ng mga lingkod kay Allāh ay na hindi Siya magparusa sa mga Muwaḥḥid na hindi nagtatambal sa Kanya ng anuman. Pagkatapos tunay na si Mu`ādh ay nagsabi: "O Sugo ni Allāh, hindi po ba ako magbabalita sa mga tao upang matuwa sila at magalak sila sa kabutihang-loob na ito?" Sumaway sa kanya ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) dala ng takot na umasa sila roon.