1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga Kategorya

Ḥadīth Tunay na si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay sumasaway sa inyo na manumpa kayo sa mga magulang ninyo

عَنْ عُمَرَ بْنِ الْخَطَّابِ رضي الله عنه قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:

«إِنَّ اللهَ عَزَّ وَجَلَّ يَنْهَاكُمْ أَنْ تَحْلِفُوا بِآبَائِكُمْ»، قَالَ عُمَرُ: فَوَاللهِ مَا حَلَفْتُ بِهَا مُنْذُ سَمِعْتُ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ نَهَى عَنْهَا ذَاكِرًا وَلَا آثِرًا.

Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Tunay na si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay sumasaway sa inyo na manumpa kayo sa mga magulang ninyo." Nagsabi si `Umar (malugod si Allāh sa kanya): "Kaya sumpa man kay Allāh, hindi ako sumumpa sa mga ito, magmula ng narinig ko ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na sumaway laban sa mga ito, habang bumabanggit ni habang nag-uulat."}

Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito Ṣaḥīḥ Muslim - 1646

Ang Pagbibigay-linaw

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh (napakataas Siya) ay sumasaway laban sa panunumpa sa mga magulang. Kaya ang sinumang ninais ang manumpa, huwag siyang manumpa kundi kay Allāh at huwag siyang manumpa sa iba pa sa Kanya. Pagkatapos binanggit ni `Umar bin `Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) na siya ay hindi nanumpa sa mga ito, magmula ng narinig niya ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na sumasaway laban doon: hindi habang nananadya ni habang nagpapaabot buhat sa iba pa sa kanya ng panunumpa nito sa iba pa kay Allāh.

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth

  1. Ang pagbabawal ng panunumpa sa iba pa kay Allāh. Itinangi niya ang panunumpa sa mga magulang dahil ito ay kabilang sa mga kaugalian ng Panahon ng Kamangmangan.
  2. Ang panunumpa ay ang pagsumpa kay Allāh o sa mga pangalan ni Allāh o sa mga katangian ni Allāh para sa isa sa mga bagay-bagay para magbigay-diin dito.
  3. Ang kainaman ni `Umar (malugod si Allāh sa kanya) dahil sa bilis ng pagsunod niya at kagandahan ng pagkaintindi niya at pagpapakaingat niya.

Ang Paglalahad ng mga Salin

59 Ang Wika
EN English الإنجليزية
UR اردو الأوردية
ES Español الإسبانية
ID Indonesia الإندونيسية
UG ئۇيغۇرچە الأيغورية
BN বাংলা البنغالية
FR Français الفرنسية
TR Türkçe التركية
RU Русский الروسية
BS Bosanski البوسنية
SI සිංහල السنهالية
HI हिन्दी الهندية
ZH 中文 الصينية
FA فارسی الفارسية
VI Tiếng Việt الفيتنامية
KU Kurdî الكردية
HA Hausa الهوسا
PT Português البرتغالية
ML മലയാളം المليالم
TE తెలుగు التلغو
SW Kiswahili السواحيلية
TA தமிழ் التاميلية
MY မြန်မာ البورمية
TH ไทย التايلندية
DE Deutsch الألمانية
PS پښتو بشتو
AS অসমীয়া الأسامية
SQ Shqip الألبانية
SV Svenska السويدية
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
KY Кыргызча القيرقيزية
NE नेपाली النيبالية
YO Yorùbá اليوروبا
LT Lietuvių الليتوانية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
SO Soomaali الصومالية
TG тоҷикӣ الطاجيكية
RW Kinyarwanda الكينياروندا
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
CS Čeština التشيكية
MOS Moore الموري
MG Malagasy المالاجاشية
OM Oromoo الأورومو
KN ಕನ್ನಡ الكانادا
WO Wolof الولوف
AZ Azərbaycan الأذربيجانية
UZ O‘zbek الأوزبكية
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
BM Bambara البامبارية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية
KMR Kurmancî الكرمنجية
Ang mga Kategorya
  • . .