+ -

عن أنس بن مالك رضي الله عنه:
أَنَّ النَّبِيَّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ وَمُعَاذٌ رَدِيفُهُ عَلَى الرَّحْلِ قَالَ: «يَا مُعَاذُ بْنَ جَبَلٍ»، قَالَ: لَبَّيْكَ يَا رَسُولَ اللهِ وَسَعْدَيْكَ، قَالَ: «يَا مُعَاذُ»، قَالَ: لَبَّيْكَ يَا رَسُولَ اللهِ وَسَعْدَيْكَ، ثَلَاثًا، قَالَ: «مَا مِنْ أَحَدٍ يَشْهَدُ أَنْ لَا إِلَهَ إِلَّا اللهُ وَأَنَّ مُحَمَّدًا رَسُولُ اللهِ صِدْقًا مِنْ قَلْبِهِ إِلَّا حَرَّمَهُ اللهُ عَلَى النَّارِ»، قَالَ: يَا رَسُولَ اللهِ، أَفَلَا أُخْبِرُ بِهِ النَّاسَ فَيَسْتَبْشِرُوا؟ قَالَ: «إِذًا يَتَّكِلُوا». وَأَخْبَرَ بِهَا مُعَاذٌ عِنْدَ مَوْتِهِ تَأَثُّمًا.

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 128]
المزيــد ...

Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya):
{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), habang si Mu`ādh ay angkas niya sa sasakyang hayop, ay nagsabi: "O Mu`ādh na anak ni Jabal!" Nagsabi ito: "Bilang pagtugon sa iyo, O Sugo ni Allāh, at bilang pagpapaligaya sa iyo." Nagsabi siya: "O Mu`ādh!" Nagsabi ito: "Bilang pagtugon sa iyo, O Sugo ni Allāh, at bilang pagpapaligaya sa iyo" nang makatatlo. Nagsabi siya: "Walang isa mang sumasaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo Niya nang tapat sa puso niya malibang nagbawal sa kanya si Allāh sa Impiyerno." Nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, kaya hindi po ba ako magpapabatid hinggil dito sa mga tao para magalak sila?" Nagsabi siya: "Samakatuwid, sasalig sila." Nagpabatid hinggil dito si Mu`ādh sa sandali ng pagkamatay niya bilang pag-iwas sa kasalanan.}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 128]

Ang pagpapaliwanag

Si Mu`ādh bin Jabal (malugod si Allāh sa kanya) ay minsang nakasakay sa likuran ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sasakyang hayop nito saka nanawagan ito sa kanya: "O Mu`ādh." Inulit-ulit nito ang panawagan sa kanya nang makatatlong ulit, bilang pagbibigay-diin sa kahalagahan ng sasabihin nito sa kanya.
Ang lahat ng iyon ay sinagot ni Mu`ādh (malugod si Allāh sa kanya) sa pamamagitan ng sabi niya: "Bilang pagtugon sa iyo, O Sugo ni Allāh, at bilang pagpapaligaya sa iyo." Ibig sabihin: "Tumutugon ako sa iyo, O Sugo ni Allāh, sa isang pagsagot sa iyo matapos ng isang pagsagot at hiniling ko ang kaligayahan dahil sa pagsagot sa iyo."
Nagpabatid sa kanya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na walang isa mang sumasaksi na walang Diyos kundi si Allāh – ibig sabihin: walang sinasamba ayon sa karapatan kundi si Allāh – at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, nang tapat sa puso niya, na hindi nagsisinungaling; saka kung namatay siya sa kalagayang ito, magbabawal sa kanya si Allāh sa Impiyerno.
Humiling si Mu`ādh (malugod si Allāh sa kanya) sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na magpabatid siya sa mga tao upang matuwa sila at magalak sila sa kabutihan.
Natakot ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na umasa sila roon at mangaunti ang gawa nila.
Kaya hindi nagsanaysay hinggil dito si Mu`ādh sa isa man malibang noong pagkamatay niya dala ng pangamba sa pagkasadlak sa kasalanan ng pagkukubli ng kaalaman.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Hapon Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda kinaadiga Luqadda Asariga الأوكرانية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang pagpapakumbaba ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagpapaangkas niya kay Mu`ādh sa likuran niya sakay ng sasakyang hayop niya.
  2. Ang pamamaraan ng pagtuturo ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kung saan inulit-ulit niya ang pagtawag kay Mu`ādh upang tumindi ang pagpansin nito sa sasabihin niya.
  3. Kabilang sa mga kundisyon ng pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh na ang nagsasabi nito ay maging tapat na nagpapakatiyak, na hindi nagsisinungaling o nagdududa.
  4. Ang mga alagad ng Tawḥīd ay hindi pamamalagiin sa apoy ng Impiyerno. Kung papasok sila sa Impiyerno dahilan sa mga pagkasala nila, palalabasin sila mula roon matapos na dumalisay sila.
  5. Ang kainaman ng Dalawang Pagsaksi para sa sinumang nagsabi nito nang tapat.
  6. Ang pagpayag sa pag-iwas sa pagsasanaysay ng isang ḥadīth sa ilan sa mga kalagayan kapag may magreresulta rito na isang kasiraan.
Ang karagdagan