1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga Kategorya
  3. Ang Pinaniniwalaan

Ḥadīth Ang pinakamaligaya sa mga tao dahil sa Pamamagitan ko sa Araw ng Pagbangon ay ang sinumang nagsabi na: 'Walang Diyos kundi si Allāh' nang wagas mula sa puso niya o sarili niya."}

عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه أَنَّهُ قَالَ:
قِيلَ: يَا رَسُولَ اللهِ، مَنْ أَسْعَدُ النَّاسِ بِشَفَاعَتِكَ يَوْمَ الْقِيَامَةِ؟ قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: «لَقَدْ ظَنَنْتُ يَا أَبَا هُرَيْرَةَ أَنْ لَا يَسْأَلَنِي عَنْ هَذَا الْحَدِيثِ أَحَدٌ أَوَّلُ مِنْكَ؛ لِمَا رَأَيْتُ مِنْ حِرْصِكَ عَلَى الْحَدِيثِ، أَسْعَدُ النَّاسِ بِشَفَاعَتِي يَوْمَ الْقِيَامَةِ، مَنْ قَالَ لَا إِلَهَ إِلَّا اللهُ خَالِصًا مِنْ قَلْبِهِ أَوْ نَفْسِهِ»».

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya), na siya ay nagsabi:
{Sinabi: "O Sugo ni Allāh, sino po ang pinakamaligaya sa mga tao dahil sa Pamamagitan mo sa Araw ng Pagbangon?" Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Talaga ngang nagpalagay ako, O Abū Hurayrah, na walang magtanong sa akin tungkol sa usapang ito na isa man na una kaysa sa iyo dahil sa nakita ko na sigasig mo sa usapan. Ang pinakamaligaya sa mga tao dahil sa Pamamagitan ko sa Araw ng Pagbangon ay ang sinumang nagsabi na: 'Walang Diyos kundi si Allāh' nang wagas mula sa puso niya o sarili niya."}

Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy - 99

Ang Pagbibigay-linaw

Nagpapabatid ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pinakamaligaya sa mga tao dahil sa Pamamagitan niya sa Araw ng Pagbangon ay ang sinumang nagsabi na: "Walang Diyos kundi si Allāh" nang wagas mula sa puso nito. Ibig sabihin: "Walang sinasamba ayon sa karapatan kundi si Allāh," at na maging ligtas ito mula sa Shirk at pagpapakitang-tao.

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth

  1. Ang pagpapatibay sa Pamamagitan (Shafā`ah) para sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Kabilang-buhay at na ito ay hindi mangyayari kundi sa mga Monoteista.
  2. Ang Pamamagitan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang pagsusumamo niya kay Allāh para sa sinumang naging karapat-dapat sa Impiyerno kabilang sa mga Monoteista, na hindi nawa ito pumasok doon; at para sa sinumang pumasok doon, na lumabas nawa ito mula roon.
  3. Ang kainaman ng Pangungusap ng Tawḥīd na wagas ukol kay Allāh at ang kadakilaan ng epekto nito.
  4. Ang pagsasakatotohanan ng Pangungusap ng Tawḥīd ay sa pamamagitan ng kaalaman sa kahulugan nito at paggawa ayon sa kahilingan nito.
  5. Ang kalamangan ni Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) at ang pagsisigasig niya sa kaalaman.

Ang Paglalahad ng mga Salin

69 Ang Wika
EN English الإنجليزية
UR اردو الأوردية
ES Español الإسبانية
ID Indonesia الإندونيسية
UG ئۇيغۇرچە الأيغورية
BN বাংলা البنغالية
FR Français الفرنسية
TR Türkçe التركية
RU Русский الروسية
BS Bosanski البوسنية
SI සිංහල السنهالية
HI हिन्दी الهندية
ZH 中文 الصينية
FA فارسی الفارسية
VI Tiếng Việt الفيتنامية
KU Kurdî الكردية
HA Hausa الهوسا
PT Português البرتغالية
ML മലയാളം المليالم
TE తెలుగు التلغو
SW Kiswahili السواحيلية
TA தமிழ் التاميلية
MY မြန်မာ البورمية
TH ไทย التايلندية
DE Deutsch الألمانية
JA 日本語 اليابانية
PS پښتو بشتو
AS অসমীয়া الأسامية
SQ Shqip الألبانية
SV Svenska السويدية
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
KY Кыргызча القيرقيزية
NE नेपाली النيبالية
YO Yorùbá اليوروبا
LT Lietuvių الليتوانية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
SO Soomaali الصومالية
TG тоҷикӣ الطاجيكية
RW Kinyarwanda الكينياروندا
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
CS Čeština التشيكية
MOS Moore الموري
MG Malagasy المالاجاشية
FF Fulfulde الفولانية
IT Italiano الإيطالية
OM Oromoo الأورومو
KN ಕನ್ನಡ الكانادا
WO Wolof الولوف
BG Български البلغارية
AZ Azərbaycan الأذربيجانية
EL Ελληνικά اليونانية
AK Akan الأكانية
UZ O‘zbek الأوزبكية
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
LN Lingala اللينجالا
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
BM Bambara البامبارية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية
DA Dansk الدنماركية
RN Kirundi الكيروندي
KMR Kurmancî الكرمنجية
MS Bahasa Melayu الملايو