1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga Kategorya

Ḥadīth Allāhumma innī a`ūdhu bika min `adhābi -lqabri wa-min `adhābi -nnāri wa-min fitnati -lmaḥyā wa-lmamāti wa-min fitnati -lmasīḥi -ddajjāl

عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ قَالَ:

كَانَ رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَدْعُو وَيَقُولُ: «اللَّهُمَّ إِنِّي أَعُوذُ بِكَ مِنْ عَذَابِ القَبْرِ، وَمِنْ عَذَابِ النَّارِ، وَمِنْ فِتْنَةِ المَحْيَا وَالمَمَاتِ، وَمِنْ فِتْنَةِ المَسِيحِ الدَّجَّالِ». وفِي لَفْظٍ لِمُسْلِمٍ: «إِذَا فَرَغَ أَحَدُكُمْ مِنَ التَّشَهُّدِ الْآخِرِ، فَلْيَتَعَوَّذْ بِاللهِ مِنْ أَرْبَعٍ: مِنْ عَذَابِ جَهَنَّمَ، وَمِنْ عَذَابِ الْقَبْرِ، وَمِنْ فِتْنَةِ الْمَحْيَا وَالْمَمَاتِ، وَمِنْ شَرِّ الْمَسِيحِ الدَّجَّالِ».

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nananalangin at nagsasabi: "Allāhumma innī a`ūdhu bika min `adhābi -lqabri wa-min `adhābi -nnāri wa-min fitnati -lmaḥyā wa-lmamāti wa-min fitnati -lmasīḥi -ddajjāl. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa pagdurusa sa libingan at laban sa pagdurusa sa Apoy, laban sa ligalig ng buhay at kamatayan, at laban sa ligalig ng Bulaang Kristo.)"} Sa isang pananalita ni Imām Muslim: "Kapag nakatapos ang isa sa inyo sa pagsambit ng Huling Tashahhud, dumalangin siya ng pagkupkop ni Allāh laban sa apat: laban sa pagdurusa sa Impiyerno, laban sa pagdurusa sa libingan, laban sa ligalig ng buhay at kamatayan, at laban sa kasamaan ng Bulaang Kristo."}

Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy - 1377

Ang Pagbibigay-linaw

Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay humihiling ng pagkupkop ni Allāh laban sa apat matapos ng Huling Tashahhud at bago ng salām sa ṣalāh. Nag-utos siya sa atin na humiling tayo ng pagkupkop ni Allāh laban sa mga ito.
1. Laban sa pagdurusa sa libingan.
2. Laban sa pagdurusa sa Apoy. Iyon ay sa Araw ng Pagbangon.
3. Laban sa ligalig ng buhay at kamatayan: laban sa mga ipinagbabawal na ninanasa sa Mundo, laban sa mga tagapagligaw na maling akala rito, laban sa ligalig ng kamatayan, ibig sabihin: ang oras ng paghihingalo, laban sa pagkaliko palayo sa Islām o Sunnah, o ligalig sa libingan gaya ng pagtatanong ng dalawang anghel.
4. Laban sa ligalig ng Bulaang Kristo na lalabas sa wakas ng panahon, na susubukin ni Allāh sa pamamagitan nito ang mga lingkod Niya. Nagtangi siya rito sa pagbanggit dahil sa bigat ng ligalig nito at pagpapaligaw nito.

الملاحظة
My names asma im student
النص المقترح Hsbsbsbs

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth

  1. Ang paghiling ng pagkupkop na ito ay ang mga tunguhin ng mga panalangin at ang mga tagatipon nito dahil sa pagkakalaman ng mga ito ng paghiling ng pagkupkop laban sa mga kasamaan sa Mundo at Kabilang-buhay.
  2. Ang katibayan ng pagdurusa sa libingan at na ito ay totoo.
  3. Ang pagkapanganib ng mga ligalig at ang kahalagahan ng pagpapatulong kay Allāh at pagdalangin ng kaligtasan sa mga ito.
  4. Ang pagpapatibay sa paglabas ng Bulaang Kristo at bigat ng ligalig niya.
  5. Ang pagsasakaibig-ibig ng panalanging ito matapos kaagad ng Huling Tashahhud.
  6. Ang pagsasakaibig-ibig ng pagdalangin matapos ng maayos na gawa.

Ang Paglalahad ng mga Salin

58 Ang Wika
EN English الإنجليزية
UR اردو الأوردية
ES Español الإسبانية
ID Indonesia الإندونيسية
UG ئۇيغۇرچە الأيغورية
BN বাংলা البنغالية
FR Français الفرنسية
TR Türkçe التركية
RU Русский الروسية
BS Bosanski البوسنية
SI සිංහල السنهالية
HI हिन्दी الهندية
ZH 中文 الصينية
FA فارسی الفارسية
VI Tiếng Việt الفيتنامية
KU Kurdî الكردية
HA Hausa الهوسا
PT Português البرتغالية
ML മലയാളം المليالم
TE తెలుగు التلغو
SW Kiswahili السواحيلية
TA தமிழ் التاميلية
MY မြန်မာ البورمية
TH ไทย التايلندية
DE Deutsch الألمانية
PS پښتو بشتو
AS অসমীয়া الأسامية
SQ Shqip الألبانية
SV Svenska السويدية
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
KY Кыргызча القيرقيزية
NE नेपाली النيبالية
YO Yorùbá اليوروبا
LT Lietuvių الليتوانية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
SO Soomaali الصومالية
TG тоҷикӣ الطاجيكية
RW Kinyarwanda الكينياروندا
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
CS Čeština التشيكية
MOS Moore الموري
MG Malagasy المالاجاشية
OM Oromoo الأورومو
KN ಕನ್ನಡ الكانادا
WO Wolof الولوف
AZ Azərbaycan الأذربيجانية
UZ O‘zbek الأوزبكية
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية
KMR Kurmancî الكرمنجية
Ang mga Kategorya
  • . .