عَنْ جَرِيرٍ رضي الله عنه عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«مَنْ يُحْرَمِ الرِّفْقَ يُحْرَمِ الْخَيْرَ».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 2592]
المزيــد ...
Ayon kay Jarīr (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Ang sinumang pinagkaitan ng kabaitan, pinagkaitan siya ng kabutihan."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 2592]
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang pinagkaitan ng kabaitan kaya hindi siya itinuon para rito sa mga nauukol sa buhay panrelihiyon at buhay pangmundo, sa ginagawa niya rito para sa sarili niya, at sa ginagawa niya rito sa iba sa kanya, pinagkaitan nga siya ng kabutihan sa kabuuan nito.