+ -

عَنِ ابنِ مَسعُودٍ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«لَا يَحِلُّ دَمُ امْرِئٍ مُسْلِمٍ إِلَّا بِإِحْدَى ثَلَاثٍ: الثَّيِّبُ الزَّانِي، وَالنَّفْسُ بِالنَّفْسِ، وَالتَّارِكُ لِدِينِهِ المُفَارِقُ لِلْجَمَاعَةِ».

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح مسلم: 1676]
المزيــد ...

Ayon kay Ibnu Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Hindi nalalabag ang buhay ng isang taong Muslim malibang dahil sa isa sa tatlo: ang nakapag-asawang nangalunya, ang buhay kapalit ng buhay, at ang nag-iiwan ng Relihiyon niya na nakikipaghiwalay sa Bukluran."}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح مسلم - 1676]

Ang pagpapaliwanag

Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang buhay ng Muslim ay bawal labagin maliban kung gumawa siya ng isa sa tatlong pagsalansang: Ang Una: Ang sinumang nasadlak sa kahalayan ng pangangalunya samantalang nakapag-asawa na sa isang tumpak na kontrata, ipahihintulot ang pagpatay sa kanya sa pamamagitan ng pagbato. Ang Ikalawa: Ang sinumang pumatay ng isang taong pinangangalagaan, nang sadyaan nang walang katwiran, papatayin siya ayon sa mga kundisyon nito. Ang Ikatlo: Ang lumabas sa Bukluran ng mga Muslim, na maaaring dahil sa pag-iwan ng Relihiyon niyang Islām sa kabuuan nito dahil sa pagtalikod, o ang nakikipaghiwalay nang walang pagtalikod sa pamamagitan ng pag-iwan sa isang bahagi nito gaya ng mga kampon ng paghihimagsik, mga mandarambong sa daan, at mga nakikipagdigmaan gaya ng Khawārij at iba pa sa kanila.

من فوائد الحديث

  1. Ang pagbabawal sa paggawa ng tatlong pagsalansang na ito at na ang sinumang gumawa ng isa sa mga ito ay nagiging karapat-dapat sa pagpatay: maaaring dahil sa isang kawalang-pananampalataya – ang tumalikod sa Islām; at maaaring dahil sa isang takdang parusa – ang dalawang ito ay ang nakapag-asawang nangalunya at ang pumatay nang sadyaan.
  2. Ang pagkakinakailangan ng pangangalaga sa mga dangal at kalinisan ng mga ito.
  3. Ang pagkakinakailangan ng paggalang sa Muslim at na siya ay ipinagsasanggalang ang buhay.
  4. Ang paghimok sa pananatili sa Bukluran ng mga Muslim at hindi pakikipaghiwalayan sa kanila.
  5. Ang kagandahan ng pagtuturo ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) yayamang nasasaad ang pananalita niya paminsan-minsan sa pamamagitan ng paghahati dahil ang paghahati ay naglilimita sa mga usapin at nagtitipon sa mga ito at iyon ay higit na mabilis sa pagkasaulo.
  6. Isinabatas ni Allāh ang mga takdang parusa para sa pagsawata sa mga salarin at para sa pangangalaga sa lipunan at pagsasanggalang dito laban sa mga krimen.
  7. Ang pagpapatupad ng mga takdang parusang ito ay kabilang sa pagkatangi ng tagapangsiwa ng pamahalaan.
  8. Ang mga kadahilanan ng pagpatay ay higit sa tatlo subalit ang mga ito ay hindi lumalabas buhat sa mga iyon. Nagsabi si Ibnu Al-`Arabīy Al-Mālikīy: Hindi lumalabas ang mga ito buhat sa tatlong iyon sa isang kalagayan sapagkat tunay na ang sinumang nanggaway o nang-alipusta sa propeta ni Allāh ay tumangging sumampalataya kaya siya ay napaloloob sa tagaiwan ng Relihiyon niya.
Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Kurdish Hausa Portuges Pushto Albaniyano الغوجاراتية النيبالية الليتوانية الدرية الصربية المجرية التشيكية الأوكرانية المقدونية الخميرية
Paglalahad ng mga salin