1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga Kategorya

Ḥadīth Ang pagpaligo sa araw ng Biyernes ay kinakailangan sa bawat muḥtalim, na magsipilyo siya, at na magpahid siya ng isang pabango kung nakatagpo siya."}

عَنْ عَمْرِو بْنُ سُلَيْمٍ الأَنْصَارِيُّ قَالَ: أَشْهَدُ عَلَى أَبِي سَعِيدٍ قَالَ: أَشْهَدُ عَلَى رَسُولِ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:

«الغُسْلُ يَوْمَ الجُمُعَةِ وَاجِبٌ عَلَى كُلِّ مُحْتَلِمٍ، وَأَنْ يَسْتَنَّ، وَأَنْ يَمَسَّ طِيبًا إِنْ وَجَدَ».

Ayon kay `Amr bin Sulaym Al-Anṣārīy na nagsabi: {Sumasaksi ako kay Abū Sa`īd na nagsabi: Sumasaksi ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Ang pagpaligo sa araw ng Biyernes ay kinakailangan sa bawat muḥtalim, na magsipilyo siya, at na magpahid siya ng isang pabango kung nakatagpo siya."}

الملاحظة
عرفنا ان الاسلام دينا جميلا
النص المقترح لا يوجد...
الملاحظة
عدوا خرجو داكشي علاش بحثو الناس
النص المقترح مالةن

Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy - 880

Ang Pagbibigay-linaw

Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pagpaligo sa araw ng Biyernes ay nabibigyang-diin gaya ng kinakailangan sa panig ng bawat lalaking adultong kabilang sa mga Muslim, na kabilang sa isinatungkulin sa kanya ang ṣalāh sa Biyernes: Maglilinis siya ng mga ngipin niya sa pamamagitan ng siwāk at tulad nito. Magpapabango siya sa pamamagitan ng alinmang halimuyak na pampabangong kaaya-aya.

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth

  1. Ang pagkanabibigyang-diin ng pagsasakaibig-ibig ng pagpaligo sa araw ng Biyernes sa bawat lalaking Muslim na adulto.
  2. Ang kalinisan at ang pag-aalis ng mga masamang amoy ay hinihiling ayon sa Batas ng Islām para sa Muslim.
  3. Ang pagdakila sa araw ng Biyernes at ang paghahanda para rito.
  4. Ang pagbibigay-diin sa pagsasakaibig-ibig ng paggamit ng siwāk para sa araw ng Biyernes.
  5. Ang pagsasakaibig-ibig ng pagpapabango ng alinmang halimuyak na pampabangong kaaya-aya bago ng pag-alis para sa ṣalāh sa Biyernes.
  6. Ang babae, kapag lumabas siya ng bahay niya para sa ṣalāh o iba pa rito, ay hindi pinapayagan para sa kanya ang magpabango batay sa pahiwatig ng Sunnah sa pagbabawal niyon.
  7. Ang muḥtalim ay ang adulto (bāligh). Ang pagkaadulto ay nangyayari dahil sa mga palatandaan, na may tatlo sa mga ito na nakikibahagi sa mga ito ang lalaki at ang babae. Ang mga ito ay: 1. Ang pagkalubos ng edad na 15 taon, 2. Kapag tumubo ang buhok sa paligid ng ari, at 3. Ang paglabas ng punlay dahil sa wet dream o dahil sa pagnanasa kahit pa man walang wet dream. Hinggil naman sa ikaapat na palatandaan, ito ay natatangi sa babae: ang pagreregla; sapagkat kapag nagregla ang babae, siya ay naging adulto na.

Ang Paglalahad ng mga Salin

58 Ang Wika
EN English الإنجليزية
UR اردو الأوردية
ES Español الإسبانية
ID Indonesia الإندونيسية
UG ئۇيغۇرچە الأيغورية
BN বাংলা البنغالية
FR Français الفرنسية
TR Türkçe التركية
RU Русский الروسية
BS Bosanski البوسنية
SI සිංහල السنهالية
HI हिन्दी الهندية
ZH 中文 الصينية
FA فارسی الفارسية
VI Tiếng Việt الفيتنامية
KU Kurdî الكردية
HA Hausa الهوسا
PT Português البرتغالية
ML മലയാളം المليالم
TE తెలుగు التلغو
SW Kiswahili السواحيلية
MY မြန်မာ البورمية
TH ไทย التايلندية
DE Deutsch الألمانية
PS پښتو بشتو
AS অসমীয়া الأسامية
SQ Shqip الألبانية
SV Svenska السويدية
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
KY Кыргызча القيرقيزية
NE नेपाली النيبالية
YO Yorùbá اليوروبا
LT Lietuvių الليتوانية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
SO Soomaali الصومالية
TG тоҷикӣ الطاجيكية
RW Kinyarwanda الكينياروندا
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
CS Čeština التشيكية
MOS Moore الموري
MG Malagasy المالاجاشية
IT Italiano الإيطالية
OM Oromoo الأورومو
KN ಕನ್ನಡ الكانادا
WO Wolof الولوف
AZ Azərbaycan الأذربيجانية
UZ O‘zbek الأوزبكية
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية
KMR Kurmancî الكرمنجية
Ang mga Kategorya
  • . . .