+ -

عن عقبة بن عامر رضي الله عنه مرفوعاً: «إياكم والدخولَ على النساء، فقال رجل من الأنصار: يا رسول الله، أرأيتَ الحَمُو؟ قال: الحَمُو الموتُ». ولمسلم: عن أبي الطاهر عن ابن وهب قال: سمعت الليث يقول: الحمو: أخو الزوج وما أشبهه من أقارب الزوج، ابن عم ونحوه.
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay `Uqbah bin `Āmir, malugod si Allāh sa kanya: "Kaingat kayo sa pagpasok sa kinaroroonan ng mga babae." Kaya may nagsabing isang lalaking kabilang sa Anṣār: "O Sugo ni Allāh, ano po ang tingin mo sa lalaking kapamilya ng biyanan?" Nagsabi siya: "Ang lalaking kapamilya ng biyanan ay ang kamatayan." Batay kay Imām Muslim, ayon kay Abū Aṭ-Ṭāhir, ayon kay Ibnu Wahb, na nagsabi: "Narinig ko si Al-Layth na nagsasabi: Ang lalaking kapamilya ng biyanan ay ang kapatid ng asawa at anumang nakawangis nito na kabilang sa mga kaanak ng asawa, pinsan, at gaya nito."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Nagbibigay-babala ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, laban sa pagpasok sa kinaroroonan ng mga babaing hindi maḥram at ang pakikipagsarilinan sa kanila sapagkat kapag nagsarilinan ang isang lalaki kasama ng isang babae, ang demonyo ay ang ikatlo nila. Ang mga kaluluwa ay mahihina at ang mga nagtutulak sa mga pagsuway ay malalakas kaya naman nasasadlak sa mga ipinagbabawal. Ipinagbabawal ang pakikipagsarilinan sa kanila bilang paglayo sa kasamaan at mga kadahilanan nito. Nagsabi ang isang lalaki: Ipabatid mo sa amin, o Sugo ni Allāh, ang tungkol sa lalaking kapamilya ng biyanan, ang mga kamag-anak ng asawa, sapagkat marahil ay nangailangan itong pumasok ng bahay ng kaanak nitong asawa ng isang babae habang magkasama ang mag-asawa. Wala ba itong anumang pahintulot? Nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ang kamag-anak ng biyanan ay ang kamatayan dahil ang mga tao ay natatangay ng kaluwagan sa pagpasok nito at hindi pagmamasama niyon. Makikipagsarilinan ito sa babaing hindi maḥram at marahil ay masadlak sa kahalayan, Nagtagal ang babae sa kawalang kaalaman at hindi pagdududa sa lalaki kaya naman mangyayari ang kapahamakang espirituwal at ang walang-hanggang pagkawasak. Kaya naman ang lalaking ito ay walang pahintulot, bagkus mag-ingat kayo sa kanya at sa pakikipagsarilinan niya sa mga kababaihan ninyo kung kayo ay may pagpapahalaga sa karangalan."

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Swahili Thailand Pushto Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية الرومانية Luqadda Oromaha
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan