+ -

عن جرير بن عبد الله رضي الله عنه قال: بَايَعْتُ رسول الله صلى الله عليه وسلم على إِقَام الصَّلاَة، وإِيتَاء الزَّكَاة، والنُّصح لِكُلِّ مُسلم.
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay Jarīr bin `Abdullāh, malugod si Allah sa kanya.siya ay nagsabi: Pinangakuan ko ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Pagtindig ng Pagdarasal,at Pagbibigay ng Zakah [Kawang-gawa],at pangangaral sa bawat Muslim.
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Nagsabi si Jarir malugod si Allah sa kanya-:Pinangakuan ko ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Pagtindig ng Pagdarasal,at Pagbibigay ng Zakah [Kawang-gawa],at pangangaral sa bawat Muslim;At ang Pangako rito ay nangangahulugang Ang Kasunduan;At tinawag itong Pangakuan;dahil ang bawat isa sa nangangako ay ibinibigay niya ang pangako nito sa iba,Ibig sabihin;ang kamay nito para lang mahawakan ang kamay ng iba,At ito ay may tatlong uri:1-Karapatan na para lamang kay Allah 2-Karapatan na para lamang sa mga Tao 3-Karapatan Pinagsama [ang dalawa],Ang karapatan na para lamang sa Allah;Ito ay ang sinabi niya: "Pagtindig sa pagdarasal" Ibig sabihin ay ang isaganap ito ng isang Muslim,na may pagtutuwid sa anumang pangangailangan nito,Papanatilihin niya ito sa takdang oras niya,at isasagawa niya ang mga haligi ,obligado at mga kondisyon nito,at gaganapin niya ito sa [Pagsasagawa ng] Sunnah nito.At nasasaklaw sa Pagtindig sa pagdarasal,para sa mga kalalakihan,Ang pagtindig ng pagdarasal sa Masjid kasama ang Jama`ah [karamihan],Sapagkat ito ay kabilang sa Pagtindig sa Pagdarasal,At kabilang sa Pagtindig sa Pagdarasal,ay ang Pagkatakot rito,At ang Pagkatakot ay ang pakikiradam ng puso at pagmumuni-muni nito,sa anumang sinasabi ng nagdadasal at sa anumang sinasabi niya,at ito bagay na napakahalaga,Sapagkat ito ang puso ng pagdarasal at kaluluwa niya.At ang ikatlo;ay ang pagsabi niya ng:" Pagbibigya ng Zakah [Kawang-gawa]; Ibig sabihin ay: Pamimigay nito sa nararapat dito.At ang ikalawa:Pangangaral sa bawat Muslim," Ibig sabihin ay:Ang pangangaral niya sa bawat Muslim,malapit man o malayo,maliit man o malaki,lalaki o babae,At ang pamamaraan ng pangangaral sa bawat Muslim,ay ang tulad ng nabanggit sa Hadith ni Anas-malugod si Allah sa kanya-" Hindi magiging ganap na mananampalataya ang isa sa inyo hanggat hindi niya mamahalin ang kapatid niya na tulad ng pagmamahal niya sa sarili niya" Ito ang Pangangaral,ang mahalin mo ang mga kaibigan mo tulad ng pagmamahal mo sa sarili mo,Na kung saan ay nasisiyahan ka sa mga [bagay na] nakakapagpasaya sa kanila,at nalulungkot ka sa mga bagay na nakakapagpalungkot sa kanila,At pakitunguhan mo sila sa gusto mong ipakitungo nila sa iyo,At ang kabanatang ito ay masyadong napakalawak at napakalaki.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Thailand Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف الأوكرانية الجورجية
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan