عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ قَالَ:
كَانَ رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَدْعُو وَيَقُولُ: «اللَّهُمَّ إِنِّي أَعُوذُ بِكَ مِنْ عَذَابِ القَبْرِ، وَمِنْ عَذَابِ النَّارِ، وَمِنْ فِتْنَةِ المَحْيَا وَالمَمَاتِ، وَمِنْ فِتْنَةِ المَسِيحِ الدَّجَّالِ».
وفِي لَفْظٍ لِمُسْلِمٍ: «إِذَا فَرَغَ أَحَدُكُمْ مِنَ التَّشَهُّدِ الْآخِرِ، فَلْيَتَعَوَّذْ بِاللهِ مِنْ أَرْبَعٍ: مِنْ عَذَابِ جَهَنَّمَ، وَمِنْ عَذَابِ الْقَبْرِ، وَمِنْ فِتْنَةِ الْمَحْيَا وَالْمَمَاتِ، وَمِنْ شَرِّ الْمَسِيحِ الدَّجَّالِ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 1377]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nananalangin at nagsasabi: "Allāhumma innī a`ūdhu bika min `adhābi -lqabri wa-min `adhābi -nnāri wa-min fitnati -lmaḥyā wa-lmamāti wa-min fitnati -lmasīḥi -ddajjāl. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa pagdurusa sa libingan at laban sa pagdurusa sa Apoy, laban sa ligalig ng buhay at kamatayan, at laban sa ligalig ng Bulaang Kristo.)"} Sa isang pananalita ni Imām Muslim: "Kapag nakatapos ang isa sa inyo sa pagsambit ng Huling Tashahhud, dumalangin siya ng pagkupkop ni Allāh laban sa apat: laban sa pagdurusa sa Impiyerno, laban sa pagdurusa sa libingan, laban sa ligalig ng buhay at kamatayan, at laban sa kasamaan ng Bulaang Kristo."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 1377]
Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay humihiling ng pagkupkop ni Allāh laban sa apat matapos ng Huling Tashahhud at bago ng salām sa ṣalāh. Nag-utos siya sa atin na humiling tayo ng pagkupkop ni Allāh laban sa mga ito.
1. Laban sa pagdurusa sa libingan.
2. Laban sa pagdurusa sa Apoy. Iyon ay sa Araw ng Pagbangon.
3. Laban sa ligalig ng buhay at kamatayan: laban sa mga ipinagbabawal na ninanasa sa Mundo, laban sa mga tagapagligaw na maling akala rito, laban sa ligalig ng kamatayan, ibig sabihin: ang oras ng paghihingalo, laban sa pagkaliko palayo sa Islām o Sunnah, o ligalig sa libingan gaya ng pagtatanong ng dalawang anghel.
4. Laban sa ligalit ng Bulaang Kristo na lalabas sa wakas ng panahon, na susubukin ni Allāh sa pamamagitan nito ang mga lingkod Niya. Nagtangi siya rito sa pagbanggit dahil sa bigat ng ligalig nito at pagpapaligaw nito.