أَنَّ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ أَقْبَلَ إِلَيْهِ رَهْطٌ، فَبَايَعَ تِسْعَةً وَأَمْسَكَ عَنْ وَاحِدٍ، فَقَالُوا: يَا رَسُولَ اللهِ، بَايَعْتَ تِسْعَةً وَتَرَكْتَ هَذَا؟ قَالَ: «إِنَّ عَلَيْهِ تَمِيمَةً»، فَأَدْخَلَ يَدَهُ فَقَطَعَهَا، فَبَايَعَهُ، وَقَالَ: «مَنْ عَلَّقَ تَمِيمَةً فَقَدْ أَشْرَكَ». المزيد
Ayon kay `Uqbah bin `Āmir Al-Juhanīy (malugod si Allāh sa kanya):
{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay pinuntahan ng isang pangkat. Tumanggap siya ng pangako ng katapatan ng siyam at nagpigil siya sa isa. Kaya nagsabi sila: "Tumanggap ka ng pangako ng katapatan ng siyam at nag-iwan ka nito?" Nagsabi siya: "Tunay na sa kanya ay may anting-anting." Kaya nagpasok ito ng kamay nito saka pinutol iyon kaya tumanggap siya ng pangako ng katapatan nito at nagsabi siya: "Ang sinumang nagsuot ng anting-anting, nagtambal nga siya [kay Allāh]."}