عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«إِنَّ الدِّينَ يُسْرٌ، وَلَنْ يُشَادَّ الدِّينَ أَحَدٌ إِلَّا غَلَبَهُ، فَسَدِّدُوا وَقَارِبُوا، وَأَبْشِرُوا، وَاسْتَعِينُوا بِالْغَدْوَةِ وَالرَّوْحَةِ وَشَيْءٍ مِنَ الدُّلْجَةِ».
[صحيح] - [رواه البخاري] - [صحيح البخاري: 39]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Ang Relihiyong Islām ay magaan. Hindi makikipagmatigasan sa Relihiyong Islām ang isa malibang mananaig ito sa kanya. Kaya magtama kayo, makipaglapit kayo, magalak kayo, at magpatulong kayo [kay Allāh] sa umaga, hapon, at isang bahagi ng gabi."}
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy] - [صحيح البخاري - 39]
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang Relihiyong Islām ay nakabatay sa pagpapagaan at kadalian sa lahat ng mga pumapatungkol dito. Nabibigyang-diin ang pagpapagaan sa sandali ng pag-iral ng kadahilanan ng kawalang-kakayahan at pangangailangan at dahil ang pagpapakalalim sa mga gawaing panrelihiyon at pagwaksi ng kalumayan ay magreresulta ng kawalang-kakayahan at pagkatigil sa paggawa sa kabuuan nito o isang bahagi nito. لا شيء فيه Pagkatapos humimok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagpapakakatamtaman nang walang pagpapalabis-labis kaya naman hindi magkukulang ang tao sa ipinag-utos sa kanya at hindi siya magbabata ng hindi niya nakakayanan. Kung nawalang-kakayahan siya sa paggawa ayon sa pinakakumpleto, ang gagawan ay ayon sa nalalapit doon.
Nagbalita ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng nakagagalak hinggil sa masaganang gantimpala sa gawaing palagian, kahit pa kaunti, ng sinumang nawalang-kakayahan sa paggawa ayon sa pinakakumpleto dahil ang kawalang-kakayahan, kapag naging hindi mula sa kagagawan niya, ay hindi nag-oobliga ng pagkabawas sa pabuya sa kanya.
Yayamang ang Mundo sa reyalidad ay isang tahanan ng paglalakbay at isang paglipat tungo sa Kabilang-buhay, nag-utos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagpapatulong sa pagpapamalagi ng pagsamba sa pamamagitan ng pagganap sa mga ito sa tatluhang nagpapasiglang oras:
A. Ang Umaga: sa pamamagitan ng pagkilos sa unang bahagi ng maghapon, ang nasa pagitan ng ṣalāh sa madaling-araw hanggang sa pagsikat ng araw.
B. Ang Hapon: sa pamamagitan ng pagkilos matapos ng katanghaliang-tapat.
C. Ang Gabi: sa pamamagitan ng pagkilos sa gabi sa kabuuan nito o isang bahagi nito; at dahil ang paggawa sa gabi ay higit na mahirap kaysa sa paggawa sa maghapon, nag-utos siya ng isang bahagi nito sa pamamagitan ng pagsabi niya: "at isang bahagi ng gabi."