عن حذيفة بن اليمان - رضي الله عنهما- عن النبي صلى الله عليه وسلم قال: «لا تقولوا: ما شاء الله وشاء فلان، ولكن قولوا: ما شاء الله ثم شاء فلان».
[صحيح] - [رواه أبو داود والنسائي وأحمد]
المزيــد ...
Mula kay Hudhaifah Bin Al-yaman -Malugod si Allah sa kanya- marfu'an: "Huwag niyong sabihin: Ma sha Allah (Kung ninais ng Allah ay mangyayari) at Sha'a Fulaan (Ninais ni Fulaan), subalit ang sabihin niyo: Kung naisin ni Allah pagkatapos naisin ni Fulan"
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]
Ipinagbawal ng Sugo -Sumakanya nawa ang kapayapaan- ang pagsandal ng pangalan ng nilikha sa pangalan ng taga-paglikha sa pamamagitan ng letrang "waw(at)" pagkatapos ng pagbanggit ng Mashi'ah (pagnanais) at ano pang katulad niya; sapagkat ang isinandal sa kanya (pagnanais) ay magiging parehas sa pinagsasandalan; sapagkat kapagka siya ay nailagay bilang pagsasama o pagtitipon ng mga bagay ay hindi mangahulugan ng pagkasunud-sunod; at ang pagpaparehas ng nilikha sa taga-paglikha ay pagtatambal, pinahintulutan ng Propeta -Sumakanya nawa kapayapaan- ang pagsandal ng nilikha sa taga-paglikha sa pamamagitan ng "Thumma/pagkatapos"; sa pagkat ang isinandal ay magiging kasunod ng pinagsandalan sa pamamagitan ng luwat o espasyo kaya hindi pinagbabawal; sa pagkat siya ay sumunod sa kanya.