عَنْ جَابِرٍ رضي الله عنه قَالَ:
أَتَى النَّبِيَّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ رَجُلٌ فَقَالَ: يَا رَسُولَ اللهِ، مَا الْمُوجِبَتَانِ؟ فَقَالَ: «مَنْ مَاتَ لَا يُشْرِكُ بِاللهِ شَيْئًا دَخَلَ الْجَنَّةَ، وَمَنْ مَاتَ يُشْرِكُ بِاللهِ شَيْئًا دَخَلَ النَّارَ»
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 93]
المزيــد ...
Ayon kay Jābir (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{May pumunta sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na isang lalaki saka nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, ano po ang dalawang tagapag-obliga?" Kaya nagsabi siya: "Ang sinumang namatay nang hindi nagtatambal kay Allāh ng anuman ay papasok sa Paraiso at ang sinumang namatay nang nagtatambal kay Allāh ng anuman ay papasok sa Impiyerno."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 93]
May nagtanong na isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa dalawang katangian na nag-oobliga ng pagpasok sa Paraiso at nag-oobliga ng pagpasok sa Impiyerno. Sumagot ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang katangian na nag-oobliga ng Paraiso ay na mamatay ang tao habang ito ay sumasamba kay Allāh – tanging sa Kanya – at hindi nagtatambal sa Kanya ng anuman at na ang katangian na nag-oobliga ng Impiyerno ay na mamatay ang tao habang ito ay nagtatambal kay Allāh ng anuman sapagkat gumagawa ito para kay Allāh ng kaagaw at katulad sa pagkadiyos Niya o pagkapanginoon Niya o sa mga pangalan Niya at mga katangian Niya.