+ -

عَن أَبِي أُمَامَةَ قَالَ: حَدَّثَنِي عَمْرُو بْنُ عَبَسَةَ رضي الله عنه أَنَّهُ سَمِعَ النَّبِيَّ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَقُولُ:
«أَقْرَبُ مَا يَكُونُ الرَّبُّ مِنَ العَبْدِ فِي جَوْفِ اللَّيْلِ الآخِرِ، فَإِنْ اسْتَطَعْتَ أَنْ تَكُونَ مِمَّنْ يَذْكُرُ اللَّهَ فِي تِلْكَ السَّاعَةِ فَكُنْ».

[صحيح] - [رواه أبو داود والترمذي والنسائي] - [سنن الترمذي: 3579]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Umāmah na nagsabi: {Nagsanaysay sa akin si `Amr bin `Abasah (malugod si Allāh sa kanya) na siya ay nakarinig sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:
"Ang pinakamalapit na [sandali ng] Panginoon mula sa lingkod ay sa kalaliman ng huling bahagi ng gabi. Kaya kung nakakaya mo na ikaw ay maging kabilang sa mga nag-aalaala kay Allāh sa oras na iyon, maging gayon ka."}

[Tumpak] - - [سنن الترمذي - 3579]

Ang pagpapaliwanag

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang Panginoon (kaluwalhatian sa Kanya) ay higit na pinakamalapit mula sa lingkod sa huling ikatlong bahagi ng gabi. Kaya kung natapat ka o naitakda ka, O mananampalataya, na ikaw ay maging kabilang sa isang kabuuan ng mga nagpapakamananambang nagdarasal na nag-aalaalang nagbabalik-loob sa oras na ito, tunay na ito ay isang bagay na nararapat ang pagsamantala rito at ang pagsusumikap dito.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Thailand Pushto Asami السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية الصربية الرومانية Luqadda malgaashka Luqadda kinaadiga
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang paghimok sa Muslim sa pag-alaala sa katapusan ng gabi.
  2. Ang pagkakalamangan ng mga oras sa isa't isa sa mga ito para sa pag-aalaala, pagdalangin, at pagdarasal.
  3. Nagsabi si Mirk: Hinggil sa kaibahan sa pagitan ng sabi niya: "Ang pinakamalapit na [sandali ng] Panginoon mula sa lingkod" at ng sabi niya: "Ang pinakamalapit [na kalagayan] ng lingkod mula sa Panginoon niya habang siya ay nakapatirapa," ang ibig sabihin dito ng una ay ang paglilinaw sa oras ng pagiging ang Panginoon ay pinakamalapit mula sa lingkod: ang kalaliman ng gabi, at ang ibig sabihin ng ikalawa ay ang paglilinaw sa pagkapinakamalapit ng mga kalagayan ng lingkod mula sa Panginoon: ang kalagayan ng pagpapatirapa.