1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga Kategorya

Ḥadīth Kapag nagsagawa ng wuḍū' ang isa sa inyo, maglagay siya ng tubig sa ilong niya, pagkatapos magsinga siya nito. Ang sinumang mag-iwang, gawin niya sa gansal na bilang

عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه أَنَّ رَسُولَ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:

«إِذَا تَوَضَّأَ أَحَدُكُمْ فَلْيَجْعَلْ فِي أَنْفِهِ ثُمَّ لِيَنْثُرْ، وَمَنِ اسْتَجْمَرَ فَلْيُوتِرْ، وَإِذَا اسْتَيْقَظَ أَحَدُكُمْ مِنْ نَوْمِهِ فَلْيَغْسِلْ يَدَهُ قَبْلَ أَنْ يُدْخِلَهَا فِي وَضُوئِهِ، فَإِنَّ أَحَدَكُمْ لاَ يَدْرِي أَيْنَ بَاتَتْ يَدُهُ». ولفظ مسلم: «إِذَا اسْتَيْقَظَ أَحَدُكُمْ مِنْ نَوْمِهِ فَلَا يَغْمِسْ يَدَهُ فِي الْإِنَاءِ حَتَّى يَغْسِلَهَا ثَلَاثًا، فَإِنَّهُ لَا يَدْرِي أَيْنَ بَاتَتْ يَدُهُ».

Ayon kay Abu Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Kapag nagsagawa ng wuḍū' ang isa sa inyo, maglagay siya ng tubig sa ilong niya, pagkatapos magsinga siya nito. Ang sinumang mag-iwang, gawin niya sa gansal na bilang. Kapag nagising ang isa sa inyo mula sa pagkatulog niya, maghugas siya ng kamay niya bago siya magpasok nito sa panghugas niya sapagkat tunay na ang isa sa inyo ay hindi nakaaalam kung saan nagmagdamag ang kamay niya."} Ang pananalita ni Imām Muslim: "Kapag nagising ang isa sa inyo mula sa pagkatulog niya, huwag siyang maglubog ng kamay niya sa lalagyan hanggang sa makapaghugas siya nito nang tatlong ulit sapagkat tunay na siya ay hindi nakaaalam kung saan nagmagdamag ang kamay niya."}

Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy - 162

Ang Pagbibigay-linaw

Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng ilan sa mga patakaran ng ṭahārah. Kabilang sa mga ito: A. Ang sinumang nagsasagawa ng wuḍū', kailangan sa kanya na magpasok ng tubig sa ilong niya sa pamamagitan ng paghinga, pagkatapos magpapalabas siya nito sa pamamagitan ng paghinga rin. B. Ang sinumang nagnais na maglinis ng karumihang lumalabas mula sa kanya at mag-alis nito sa pamamagitan ng iba pa sa tubig gaya ng bato at tulad nito, ang paglilinis niya ay ayon sa bilang na may butal, na ang pinakakaunti nito ay tatlo at ang pinakamarami nito ay ang anumang naaalis sa pamamagitan nito ang karumihang lumalabas at nalilinis ang labasan. C. Ang sinumang nagising mula sa pagkatulog sa gabi ay hindi magpapasok ng kamay niya sa lalagyan ng tubig upang magsagawa ng wuḍū' hanggang sa makapaghugas siya nito nang tatlong ulit sa labas ng lalagyan sapagkat tunay na siya ay hindi nakaaalam kung saan nagmagdamag ang kamay niya, kaya hindi siya nakatitiyak sa karumihan ng kamay. Maaaring mangyaring kumalikot nito ang demonyo at nagdala rito ng mga bagay na nakapipinsala sa tao o nakasisira sa kadalisayan ng tubig.

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth

  1. Kinakailangan ang pagsinghot ng tubig sa pagsasagawa ng wuḍū'. Ito ay ang pagpapasok ng tubig sa ilong sa pamamagitan ng paghinga. Gayon din, kinakailangan ang pagsinga ng tubig. Ito ay ang pagpapalabas ng tubig mula sa ilong sa pamamagitan ng paghinga.
  2. Ang pagsasakaibig-ibig ng pag-iwang (istijmār) sa gansal na bilang.
  3. Ang pagkaisinasabatas ng paghuhugas ng mga kamay nang tatlong ulit matapos magising sa pagkatulog sa gabi.

Ang Paglalahad ng mga Salin

59 Ang Wika
EN English الإنجليزية
UR اردو الأوردية
ES Español الإسبانية
ID Indonesia الإندونيسية
UG ئۇيغۇرچە الأيغورية
BN বাংলা البنغالية
FR Français الفرنسية
TR Türkçe التركية
RU Русский الروسية
BS Bosanski البوسنية
SI සිංහල السنهالية
HI हिन्दी الهندية
ZH 中文 الصينية
FA فارسی الفارسية
VI Tiếng Việt الفيتنامية
KU Kurdî الكردية
HA Hausa الهوسا
PT Português البرتغالية
ML മലയാളം المليالم
TE తెలుగు التلغو
SW Kiswahili السواحيلية
TA தமிழ் التاميلية
MY မြန်မာ البورمية
TH ไทย التايلندية
DE Deutsch الألمانية
PS پښتو بشتو
AS অসমীয়া الأسامية
SQ Shqip الألبانية
SV Svenska السويدية
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
KY Кыргызча القيرقيزية
NE नेपाली النيبالية
YO Yorùbá اليوروبا
LT Lietuvių الليتوانية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
SO Soomaali الصومالية
TG тоҷикӣ الطاجيكية
RW Kinyarwanda الكينياروندا
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
CS Čeština التشيكية
MOS Moore الموري
MG Malagasy المالاجاشية
OM Oromoo الأورومو
KN ಕನ್ನಡ الكانادا
WO Wolof الولوف
AZ Azərbaycan الأذربيجانية
UZ O‘zbek الأوزبكية
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
BM Bambara البامبارية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية
KMR Kurmancî الكرمنجية
Ang mga Kategorya
  • . .
  • . .
  • . .