عَنْ أَبِي وَاقِدٍ اللَّيْثِيِّ رضي الله عنه:
أَنَّ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ لَمَّا خَرَجَ إِلَى حُنَيْنٍ مَرَّ بِشَجَرَةٍ لِلْمُشْرِكِينَ يُقَالُ لَهَا: ذَاتُ أَنْوَاطٍ يُعَلِّقُونَ عَلَيْهَا أَسْلِحَتَهُمْ، فَقَالُوا: يَا رَسُولَ اللهِ، اجْعَلْ لَنَا ذَاتَ أَنْوَاطٍ كَمَا لَهُمْ ذَاتُ أَنْوَاطٍ، فَقَالَ النَّبِيُّ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: «سُبْحَانَ اللهِ! هَذَا كَمَا قَالَ قَوْمُ مُوسَى {اجْعَلْ لَنَا إِلَهًا كَمَا لَهُمْ آلِهَةٌ} [الأعراف: 138] وَالَّذِي نَفْسِي بِيَدِهِ لَتَرْكَبُنَّ سُنَّةَ مَنْ كَانَ قَبْلَكُمْ».
[صحيح] - [رواه الترمذي وأحمد] - [سنن الترمذي: 2180]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Wāqid Al-Laythīy (malugod si Allāh sa kanya):
{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), noong pumunta siya sa Ḥunayn, ay naparaan sa isang punong-kahoy ng mga tagapagtambal na tinatawag na Dhāt Anwāṭ, nagsasabit sila rito ng mga sandata. Kaya nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, gumawa ka para sa amin ng isang Dhāt Anwāṭ kung paanong mayroon silang Dhāt Anwāṭ." Nagsabi naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kaluwalhatian kay Allāh! Ito ay gaya ng sinabi ng mga tao ni Moises: {gumawa ka para sa amin ng isang diyos kung paanong mayroon silang mga diyos.”} (Qur'ān 7:138) Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, talagang sasakay nga kayo sa kalakaran ng mga bago ninyo."}
[Tumpak] - - [سنن الترمذي - 2180]
Pumunta ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Ḥunayn, na isang lambak sa pagitan ng Ṭā'if at Makkah. Kasama sa kanya ang ilan sa mga Kasamahan na pumasok sa Islām kamakailan. Naparaan sila sa isang punong-kahoy na tinatawag na Dhāt Anwāṭ, na ang ibig sabihin ay may mga isinabit. Ang mga tagapagtambal noon ay dumadakila rito at nagsasabit dito ng mga sandata nila at iba pa dala ng paghiling ng pagpapala. Kaya naman humiling sila sa Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na gumawa para sa kanila ng isang punong-kahoy tulad niyon, na sasabitan nila ng mga sandata nila para sa paghiling ng pagpapala dahil sa isang pagpapalagay mula sa kanila na ito ay isang bagay na pinayagan. Napabulalas ng pagluwalhati kay Allāh ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) dala ng pagmamasama sa sinabing ito at dala ng pagdakila kay Allāh. Nagpabatid siya na ang sabing ito ay nakawawangis sa nasabi ng mga tao ni Moises: {gumawa ka para sa amin ng isang diyos kung paanong mayroon silang mga diyos.”} (Qur'ān 7:138) Noong nakakita sila ng mga sumasamba sa mga anito, humiling sila na magkaroon sila ng mga anito kung paanong mayroong mga anito ang mga tagapagtambal. Ito ay isang pagsunod sa pamamaraan ng mga iyon. Pagkatapos nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang Kalipunang ito ay susunod sa pamamaraan ng mga Hudyo at mga Kristiyano at gagawa ng gawain nila. Nagbigay-babala siya laban doon.