«إِنَّ مِمَّا أَدْرَكَ النَّاسُ مِنْ كَلاَمِ النُّبُوَّةِ الأُولَى: إِذَا لَمْ تَسْتَحْيِ فَاصْنَعْ مَا شِئْتَ».
[صحيح] - [رواه البخاري] - [صحيح البخاري: 6120]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Tunay na kabilang sa naabutan ng mga tao mula sa pananalita ng unang pagkapropeta: Kapag hindi ka nahiya, gawin mo ang niloob mo."}
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy] - [صحيح البخاري - 6120]
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kabilang sa [katuruang] nasaad doon ang tagubilin buhat sa mga naunang propeta, naglipat-lipat nito ang mga tao sa gitna nila, at nagmana-mana sila nito buhat sa mga iyon, isang salinlahi matapos ng isang salinlahi, hanggang sa dumating sa una ng Kalipunang ito [ang katuruang]: "Tumingin ka sa ninanais mong gawin sapagkat kung ito ay naging kabilang sa hindi mo ikahihiya, gawin mo ito; at kung ito ay naging kabilang sa ikahihiya mo, iwan mo ito." Kaya tunay na ang tagapigil sa paggawa ng mga pangit ay ang pagkahiya sapagkat ang sinumang hindi nagkaroon ng pagkahiya ay nagugumon sa bawat mahalay at nakasasama.