+ -

عَنْ أَنَسِ بْنِ مَالِكٍ رضي الله عنه عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«لَا عَدْوَى، وَلَا طِيَرَةَ، وَيُعْجِبُنِي الْفَأْلُ» قَالَ قِيلَ: وَمَا الْفَأْلُ؟ قَالَ: «الْكَلِمَةُ الطَّيِّبَةُ».

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح مسلم: 2224]
المزيــد ...

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Walang pagkahawa at minamasamang turing at nagpapahanga sa akin ang minamabuting turing." Nagsabi sila: "Ano po ang minamabuting turing?" Nagsabi siya: "Ang salitang kaaya-aya."}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح مسلم - 2224]

Ang pagpapaliwanag

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang paniniwala, na ang pagkahawa na pinaniniwalaan ng mga kampon ng Kamangmangan na ang karamdaman daw ay lumilipat sa pamamagitan ng sarili nito papunta sa iba nang walang pagtatakda ni Allāh, ay kabulaanan, at na ang minamasamang turing ay kabulaanan. Ito ay ang pagpapalagay ng kasamaan sa alinmang bagay maging naririnig man o nakikita gaya ng mga ibon o mga hayop o mga may kapansanan o mga numero o mga araw o iba pa rito. Binanggit lamang niya ang ibon dahil ito ay ang napatanyag noon sa ganang Panahon ng Kamangmangan. Ang pinag-ugatan nito ay ang pagpapawala ng ibon sa sandali ng pagsisimula sa isang gawain gaya ng paglalakbay o pangangalakal o iba pa rito. Kung lumipad ang ibon sa dakong kanan magpapalagay ng kabutihan at magpapatuloy sa ninanais. Kung lumipad naman ito sa dakong kaliwa, magpapalagay ng kasamaan at magpipigil sa ninanais. Pagkatapos nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagpapahanga sa kanya ang minamabuting turing (optimism). Ito ay ang anumang nangyayari sa tao na pagkatuwa at pagkagalak mula sa isang kaaya-ayang salitang naririnig niya at gumagawa sa kanya na nagpapaganda ng palagay sa Panginoon niya.

من فوائد الحديث

  1. Ang pananalig kay Allāh (napakataas Siya), na walang naghahatid ng kabutihan kundi si Allāh at walang nagtutulak ng kasamaan kundi si Allāh.
  2. Ang pagsaway laban sa minamasamang turing. Ito ay ang pagpapalagay ng kasamaan at bumabalik sa paggawa.
  3. Ang minamabuting turing ay hindi bahagi ng minamasamang turing na sinasaway; bagkus ito ay bahagi ng kagandahan ng pagpapalagay kay Allāh (napakataas Siya).
  4. Ang bawat bagay ay nangyayari dahil sa pagtatakda ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) – tanging Siya: walang katambal sa Kanya.
Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Thailand Aleman Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف Luqadda Asariga الأوزبكية الأوكرانية الجورجية المقدونية الخميرية الماراثية
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan