عَنْ مَيْمُونَةُ أُمِّ المؤمِنينَ رضي الله عنها قَالتْ:
وَضَعْتُ لِلنَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ غُسْلًا، فَسَتَرْتُهُ بِثَوْبٍ، وَصَبَّ عَلَى يَدَيْهِ، فَغَسَلَهُمَا، ثُمَّ صَبَّ بِيَمِينِهِ عَلَى شِمَالِهِ، فَغَسَلَ فَرْجَهُ، فَضَرَبَ بِيَدِهِ الأَرْضَ، فَمَسَحَهَا، ثُمَّ غَسَلَهَا، فَمَضْمَضَ وَاسْتَنْشَقَ، وَغَسَلَ وَجْهَهُ وَذِرَاعَيْهِ، ثُمَّ صَبَّ عَلَى رَأْسِهِ وَأَفَاضَ عَلَى جَسَدِهِ، ثُمَّ تَنَحَّى، فَغَسَلَ قَدَمَيْهِ، فَنَاوَلْتُهُ ثَوْبًا فَلَمْ يَأْخُذْهُ، فَانْطَلَقَ وَهُوَ يَنْفُضُ يَدَيْهِ.
المزيد
Ayon kay Maymūnah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Naglagay ako para sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang pampaligo saka nagtakip ako sa kanya ng isang kasuutan. Nagbuhos siya sa mga kamay niya saka naghugas ng mga ito. Pagkatapos nagbuhos siya sa pamamagitan ng kanang kamay niya sa kaliwang kamay niya saka naghugas siya ng ari niya saka tumapik siya ng kamay niya sa lupa saka pumahid nito roon. Pagkatapos naghugas siya nito saka nagmumog siya at suminghot [ng tubig], naghugas siya ng mukha niya, at mga braso niya. Pagkatapos nagbuhos siya sa ulo niya at nagpasagana siya nito sa katawan niya. Pagkatapos tumabi siya saka naghugas ng mga paa niya saka nag-abot naman ako sa kanya ng isang kasuutan ngunit hindi niya kinuha ito saka lumisan siya habang siya ay nagpapagpag ng mga kamay niya.}