عَنْ عَمْرِو بْنُ سُلَيْمٍ الأَنْصَارِيُّ قَالَ: أَشْهَدُ عَلَى أَبِي سَعِيدٍ قَالَ: أَشْهَدُ عَلَى رَسُولِ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«الغُسْلُ يَوْمَ الجُمُعَةِ وَاجِبٌ عَلَى كُلِّ مُحْتَلِمٍ، وَأَنْ يَسْتَنَّ، وَأَنْ يَمَسَّ طِيبًا إِنْ وَجَدَ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 880]
المزيــد ...
Ayon kay `Amr bin Sulaym Al-Anṣārīy na nagsabi: {Sumasaksi ako kay Abū Sa`īd, na nagsabi: Sumasaksi ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Ang pagpaligo sa araw ng Biyernes ay kinakailangan sa bawat muḥtalim, na magsipilyo siya, at magpahid siya ng isang pabango kung nakatagpo siya."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 880]
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pagpaligo sa araw ng Biyernes ay binibigyang-diin gaya ng tungkulin sa panig ng bawat lalaking adultong kabilang sa mga Muslim, na isinatungkulin sa kanya ang ṣalāh sa Biyernes. Maglilinis siya ng mga ngipin niya sa pamamagitan ng siwāk at tulad nito. Magpapabango siya sa pamamagitan ng alinmang pampabangong kaaya-ayang halimuyak.