+ -

عن عبدالله بن عباس رضي الله عنهما مرفوعاً: «مَن عادَ مَريضا لم يحضُرهُ أجلُه، فقال عنده سَبعَ مراتٍ: أسأل الله العظيم، ربَّ العرشِ العظيم، أن يَشفيك، إلا عافاه الله من ذلك المرض».
[صحيح] - [رواه أبو داود والترمذي وأحمد]
المزيــد ...

Ayon kay `Abdullāh bin `Abbās, malugod si Allah sa kanilang dalawa: "Ang sinumang dumalaw sa isang maysakit na hindi pa dumating dito ang taning nito, at nagsabi sa piling nito nang pitong ulit: As’alu -­llāha -­l`ađīma rabba -­l`arshi ­-l`ađīmi an yashfiyak (Hinihiling ko kay Allah, ang Sukdulan, ang Panginoon ng tronong sukdulan sa laki, na pagalingin ka nawa Niya). Pagagalingin ito ni Allah mula sa sakit na iyon."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]

Ang pagpapaliwanag

Ang ḥadīth ayon kay Ibnu`Abbās, malugod si Allah sa kanya, ay na ang tao, kapag dumalaw siya sa isang maysakit na hindi pa dumating dito ang taning nito - na nangangahulugang wala itong sakit na ikamamatay - at nagsabi sa piling nito nang pitong ulit: As’alu -­llāha -­l`ađīma rabba -­l`arshi ­-l`ađīmi an yashfiyak (Hinihiling ko kay Allah, ang Sukdulan, ang Panginoon ng tronong sukdulan sa laki, na pagalingin ka nawa Niya), pagagalingin ito ni Allah mula sa sakit na iyon. Ito ay kapag hindi pa dumating ang taning. Kapag naman dumating na ang taning, hindi na mapakikinabangan ang gamot ni ang pagbigkas ng panalangin dahil si Allah, pagkataas-taas Niya ay nagsabi: "Ang bawat kalipunan ay may taning. Kaya kapag dumating na ang taning nila ay hindi sila makapagpapahuli ng isang saglit at hindi sila makapagpapauna." (Qur'an 7:34)

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Swahili Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية
Paglalahad ng mga salin