+ -

عن عائشة رضي الله عنها مرفوعاً: أن النبيَّ صلى الله عليه وسلم كَانَ يَعُودُ بَعْضَ أهْلِهِ يَمْسَحُ بِيدِهِ اليُمْنَى، ويقول: «اللَّهُمَّ رَبَّ النَّاسِ، أذْهِب البَأسَ، اشْفِ أنْتَ الشَّافِي لاَ شِفَاءَ إِلاَّ شِفاؤكَ، شِفَاءً لاَ يُغَادِرُ سَقماً».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay `A'ishah, malugod si Allah sa kanya: "Ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay dumadalaw noon sa ilan sa mag-anak niya. Hinihipo niya ng kanang kamay niya at nagsasabi: O Allah, Panginoon ng mga tao, alisin Mo ang kapinsalaan. Ikaw ang Tagapagpagaling; walang pagpapagaling maliban sa pagpapagaling Mo, pagpapagaling na hindi nag-iiwan ng karamdaman."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Siya noon, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kapag dumalaw sa ilan sa mga maybahay niya: sa sinumang nagkasakit sa kanila. "Hinihipo niya ng kanang kamay" ay nangangahulugang "hinihipo niya ang maysakit" at binibigkas dito ang panalanging ito: "O Allah, Panginoon ng mga tao..." Nagsusumamo siya kay Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, sa pamamagitan ng pangkalahatang Pagkapanginoon Niya sapagkat Siya ang Panginoon, napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas, ang Tagapaglikha, ang Tagpagmay-ari, ang Tagapapangasiwa sa lahat ng mga bagay-bagay. Inalis Niya ang kapinsalaan, ang karamdaman na dumapo sa maysakit na ito. Ang pagpapagaling ay ang pag-aalis ng karamdaman at ang pagbuti ng maysakit. Ang Ash-Shāfī ay kabilang sa mga pangalan ni Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, dahil Siya ay nagpapagaling sa maysakit. Ang "walang pagpapagaling maliban sa pagpapagaling Mo" ay nangangahulugang pagpapagaling ni Allah. Ang pagpapagaling ni Allah ay hindi pagpapagaling ng iba sa Kanya. Ang pagpapagaling ng mga nilikha ay walang iba kundi isang kadahilanan. Ang tagapagpagaling ay si Allah. Hiniling niya kay Allah na ang pagpapagaling ay maging lubos na pagpapagaling na wala natitirang karamdaman, ibig sabihin, walang natitirang sakit.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Swahili Tamil Asami الهولندية
Paglalahad ng mga salin